>var addthis_pub=”angsawariko”;
Habang ang karamihan ay nagagalit kay Hayden Kho dahil sa sex scandal na lumalabas ngayon sa internet ay siya naman pag tanggol ni Carlene Aguilar. Ayon kay Carlene ay hindi mangyayari ang bagay na iyon kung hindi daw ito hinayaan ni Katrina na mangyari. “Hindi mangyayari iyon, kung wala tayong ginawa in the first place. So dapat maging responsible tayo sa lahat and be careful in our actions. Public property tayo, kaya tinitingala tayo ng mga tao.” ito ang matapang na explanation ni Carlene sa isyu patungkol sa eskandalong kinasasangkutan nina Hayden at Katrina. Huwag daw i-condemn si Hayden dahil mabuting tao daw si Hayden ang tanging pagkakamali nya ay hindi niya kinuha ang consent ng taong kinunan niya ng video at ang dapat managot ay ang taong nagkalat ng video.
Sa kabila nito ay ayon kay Senator Miriam Defensor-Santiago ay hindi makakalusot ang excuse na insanity para harapin ni Hayden ang ginawa niyang pang aabuso. Habang binuweltahan ni Senator Bong Revilla Jr. ang kumakalat na “edited photo” na kung saan makikitang may kahalikan siyang babae na pareho silang hubo’t hubad, ayon sa kanya ay nililihis ang totoong issue sa paglabas ng mga photos na ito at hindi niya hahayaan mangyari ito.