>var addthis_pub=”angsawariko”;
http://images.multiply.com/multiply/multv.swf
Maruja started as one of Mar Ravelo’s comics collection and illustrated by Rico Rival, umikot ang kwento tungkol sa reincarnation ng dalawang magkasintahang hindi natuloy ang pagmamahalan sa kanilang unang buhay na si Maruja at si Gabriel at ipinagpatuloy nila ang kanilang buhay matapos silang mag-reincarnate bilang si Cristy (Maruja) at sa kasamaang palad sa pag asang makikita niya si Gabriel na nare-incarnate ay matatagpuan ni Cristy ang kasintaan sa nakaraang buhay, ay matatagpuan niya itong buhay ngunit ito ay matanda na. Na-published ang kwento ni Maruja sa Pilipino Komiks noong 1966.
Na-isa-pelikula ang Maruja sa bago nitong title na Gumising Ka Maruja na kung saan ang FPJ Production na pag-aari ni Fernando Poe Jr. ang nag-produce ng pelikulang ito. Pinagbidahan ito nina Susan Roces bilang Maruja, Romeo Vasquez na siyang gumanap bilang si Gabriel, kasama rin sina Laurice Guillen, Mario O’hara, Luis Gonzales at Philip Salvador. Ang batikang director na si Lino Brocka ang nag-direct ng movie na ito na siyang nagbigay ng kay Susan Roces ng best actress award noong 1979 sa Famas.
Noong 1996 ay gumawa ng remake ang Viva Films ng Maruja na kung saan ay pinagbibidahan ng noong mag asawa pa na sina Carmina Villaruel at Rustom Padilla. Kasama nila sina Eric Quizon, Jaclyn Jose at Albert Martinez.
At ngayong 2009 ay ilalabas naman ng ABS-CBN ang tv version ng Maruja na kung saan pinagbibidahan ito nina Kristine Hermosa, Karylle, Derek Ramsay at John Estrada.
Video courtesy of teamkapamilya.multiply.com