>var addthis_pub=”angsawariko”;
After her official leave of absence at The Buzz and Showbiz News Ngayon where she announce it last July 19 nagsalita na si Kris Aquino patungkol sa mga huling linggo niya kasama ang kanyang inang si President Corazon Aquino.
June 23 ay dinala sa ospital si President Corazon Aquino sa Makati Medical Center pero only few days pa nakadalaw si Kris Aquino dahil sa A(H1N1) na quarantine period, instead of going to SNN at kinausap agad niya ang doctor nila na si Francis Lopez, at ayon dito ay stage 4 na ang cancer at spreading na ang cancer rapidly sa katawan ni dating Presidente Aquino, na kung saan affected na rin ang liver niya bukod sa colon. Ibinahagi rin ni Kris ang pinagdaanan nilang process at stages, una ang knowledge na kung saan malalaman ng pamilya ang sakit na hinaharap ng isang kapamilya nila, ang pangalawa ay pag-ho-hope na kung saan umaasa silang may pag asa pa na gumaling, ang pangatlo ay acceptance ang pag-accept na nagawa na nila ang lahat at ang huli ang ay letting go na kung saan i-le-let go na nila ang isang kapamiya at ipagkakatiwala na lang sa Diyos. Ayon kay Kris lahat silang apat na babae ay nasa letting go stage na, habang ni Noynoy Aquino na kapatid niyang lalaki ay wala pa sa stage na iyon.
July 19 noong nagpaalam siya sa The Buzz na gusto muna siyang mag-focus sa kanyang ina at nanatili siya hanggang 20. Noong July 21 ay sinabi ni Kris sa kanyang ina na na-gui-guilty na sila na nakikita ang kanyang ina na nahihirapan siya dahil sa kanyang laban sa sakit na cancer at willing na silang i-let go siya to be with Ninoy. Kris cries habang ishi-nishare niya ito kay Boy Abunda. Ikinuwento rin ni Kris na nakita niyang muling ngumiti ang kanyang ina noong nakita niya itong nakatingala at ikinukwento na nakikita na niya si Ninoy at sinasama na siya, at sinabi niya sa kanya na ok lang na sumama na ang kanyang ina sa kanyang father.
Ayon kay Kris ay pinili niyang makasama ang kanyang ina sa mga huling linggo ng kanyang buhay. Sinabi rin niya kay Boy Abunda na ang regalo niya sa kanyang ina na relo na nabili niya sa unang sweldo niya ay ginagamit pa rin ng kanyang ina at dali dali niya itong sinusuot matapos niyang tanggalin ito tuwing operasyon. Pinagamit din ni Kris ang kanyang strawberry shortcake na blanket na kung saan ito ang ginamit niya noong nanganak siya kay Baby James, na kung saan para sa kanya ay inisip niyang may himalang maitutulong ito sa kanyang ina gaya ng kanyang nakuha noong ipinanganak niya si Baby James. Habang ikinikwento niya ito ay patuloy ang pagluha ni Kris habang sinasariwa ang mga bahahalagang detalye kasama ang kanyang ina.
Nagpapasalamat si Kris sa mga taong nanatili sa tabi nila para sumuporta at manalangin para sa kanilang ina at sa pamilyang Aquino, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang pamilyang Marcos na noon ay nakalaban ng mga Aquino noong panahon ng Martial Law, ganun din ang pamilyang Estrada na dumalaw sa burol ni Tita Cory sa pangunguna ni dating Presidente Joseph Ejercito Estrada. Nagpaabot din ng pakikiramay ang President ng USA na si Barack Obama, Hilary Clinton at si Pope Benedict XVI na nanalangin noon sa kagalingan ng dating pangulong Aquino. Nananating walang state funeral na magaganap para kay President Corazon Aquino na siyang desisyon na rin ng kanyang mga anak, na kung saan mula sa La Salla Greenhills Gym ay ililipat sa Manila Cathedral ngayong Lunes, August 3 ang mga labi ni Tita Cory para doon ipagpatuloy ang public viewing na kung saan sa Miyerkules ay ililibing na ang mga labi ng President Cory Aquino sa tabi ng puntod ng kanyang asawa na si dating Senador Benigno “Noynoy” Aquino Jr. Manila Memorial Park. Patuloy pa rin ang pagdating ng suporta at panalangin sa pamilyang Aquino, sa Times Street sa tirahan ng mga Aquino, sa EDSA Shrine, at sa website na CoryAquino.ph.