>var addthis_pub=”angsawariko”;
Tuesday, April 28, 2009 – pinakita sa The Correspondents ng ABS-CBN News and Current Affairs na kung saan nagiging option na sa buhay ng tao para takasan ang problema nila ay sa pamamagitan ng suicide at ito ay tinalakay ni Karen Davilla sa kanyang documentary na Isang Iglap.
Mula sa nakaraang insidenteng pagkakamatay ng asawa ng yumaong asawa ni Ted Failon na si Trina Etong na kung saan ay naagbaril ng sarili para matakasan ang problema ng pagkakabaon sa utang, at mula sa issue na ito ay muling bumalik ang tanong na kung bakit nangyayari ang bagay na ito at nagiging option ito ng mga tao kapag dumating ang mga mabibigat na problema sa buhay nila.
Muli rin nating maaalala ang inang si Janet na kung saan ay naglason kasama ang kanyang tatlong anak noong September 2008. Ayon sa World Health Organization simula noong 2007, ay mayroon nang 3,000 na tao kada isang araw ang nagpapakamatay o nagko-commit ng suicide.
De (ad) Pression
Ang depression ay karaniwang ugat kung bakit nagkakaroon ng suicidal tendencies ang isang tao, mula sa isang matinding heart ache, pagkalugi sa negosyo, pagbaksak ng career, at iba pang mga bagay na maaaring mag caused ng matinding kalungkutan sa tao na magiging resulta para isipin niyang magpakamatay na lamang para matakasan ang problemang kinasasangkutan niya. Tulad ni Angelica Jones isang sexy comedienne na dalawang beses nag commit ng suicide una noong nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang nobyo na nagresulta sa pag-overdose niya ng sleeping pills at ang pangalawa ay noong natalo siya noong 2007 election at nasawi uli sa pag-ibig at naisipang maglaslas ng pulso habang nagkulong siya sa sasakyan niya.
Para sa mga taong kagaya ni Angelica Jones na kung saan dumanas ng major depression sa buhay ay naging hopeless and helpless sila at ang tanging paraan para matakasan ang problema at matinding kalungkutan ay sa pamamagitan ng pagpapakamatay.
Pero bukod sa problema ay maituturing ding isang sakit ang depression na kung saan maaaring resulta ito ng chemical in balance ng tao na ang resulta ay natri-trigger ang mental at emotional stability ng isang individual na kailangan ipatingin na sa isang psychologist.
Social Taboo
Sarado pa rin ang kaisipan ng nakakarami pagdating sa usapin ng suicide at depression, dahil minsan ang tingin ng tao sa depression ay pag-iinarte or pagpapapansin at instead na napagtutuunang pansin ng pamilya ang bagay na ito ay napapabayaan na ang resulta ay suicide. Pero hindi pa natatapos ang usapin diyan dahil para sa iba ang isang pamilyang may nag-suicide ay tinitignang maaaring may sakit sa pag-iisip ang taong gumawa nito at itinuturing na kahihiyan sa isang pamilya.
Mula sa pag aaral ng World Health Organization ay mas malaki ang bilang ng male o lalaki ang mga nagco-commit ng suicide at ang edad ng mga gumagawa nito para sa parehong kasarian o gender ay mula 15 hanggang 40 years old.
At mas lumalaki ang bilang ng nagpapakamatay dahil sa reason ng usapin ng pera at career at nangunguna diyan ang ilang mga top executive ng mga kumpanya na dumadanas ng malaking suliranin ng pagkalugi.
Signs of Suicidal Tendencies
Ang isang taong mayroon suicidal tendencies ay ang mga taong dumadanas ng magtinding depression na nagreresulta sa kawalan nila ng pag asa sa buhay. At ang mga senyales nito ay ang pagbabago ng kanilang behavior, mood at pakikitungo sa kapwa. Gayun din ay ang pagkawala niya ng interest sa kanyang mga nakasanayang ginagawa o trabaho kasama na rin ang pagiging malungkutin at kawalan ng ganang kumain at higit sa lahat ang madalas niyang pagiging vocal pagdating sa kagustuhang mamatay na.
Walang pinipiling edad at estado ng buhay ang depression at suicide na kung saan nakita natin ito sa yumaong asawa ni Ted Failon na si Trina Etong na kung saan may kaya sa buhay at ang musmos na batang si Mariannet Amper na kung saan ay nagpakamatay dahil sa kahirapan. Ang tanging naiiba lang ay ang pamamaraan ng kanilang pagkitil sa kanilang buhay.
There is HOPE in the midst of darkness
Kung ang usapin ng depression at suicide ay isang nakakahiyang usapin sa lipunan dahil ang iba ay sarado ang pag-iisip sa bagay na ito ay hindi ibig sabihin na talagang wala nang pag asa. Ayon kay Randy Dellosa isang psychologist na dapat ang unang umayos sa bagay na ito ay ang mismong kapamilya at kaibigan ng taong nakakaranas ng depression sila dapat ang maging source ng confidence at pag asa sa tao. Bukod dito may mga ibang open forum at focus group na maaaring samahan para maging support group ng taong may depression hanggang maging maayos ang kalagayan niya.
Malaki rin ang role ng religion pagdating sa bagay na ito, isa rin sa maaaring pumigil sa pag-suicide ng isang tao ang kanyang relihiyon pagdating sa usapan ng morality. May mga fellowship din na kung saan maaring samahan ng mga taong nakakaranas nito kagaya ng Greenhills Christian fellowship na kung saan may open forums silang ginagawa sa kanilang mga tao na kung saan ay willing ang lahat makinig at mag advise sa kanilang mga kasama.
Seek medication, ito ang pinakamatibay na maaaring makaayos sa suliranin ng depression at iyon ay ang pakikipag usap sa isang psychologist para mamonitor ang mga resulta ng mga test na pinagdadaanan ng isang pasyente.
Sa panahon ng krisis ay dapat pagtuunan pansin din ng gobyerno ang mental health ng bansa dahil maaaring mabusog ng kakarampot na pagkain ang sikmura ng isang tao pero hindi nito maiibsan ang depression na dinadanas niya. At dapat din ang mabuksan ang pananaw ng tao pagdating sa usapin ng depression at kung paano ito bibigyan ng bagong kahulugan, dahil hindi magiging krimen ang suicide kung sa una pa lang ay magamot na ang depression ng isang tao at maiiwasan ang tendency na magpakamatay siya.
Para sa pamilya at kaibigan ang tanging paraan lang para masagot ang issue ng depression at mapigilan ang suicide ay tamang pag-uunawa, paggabay, pagmamahal at and hindi pag-judge sa taong dumadanas nito. Ang usaping ito ay hindi dapat ikahiya at itago kundi malayang pag-usapan para masolusyunan.
***
Edukasyon – ito ang isa sa mga importanteng bagay para sa isang tao, pero dahil sa kahirapan ay may mga taong hindi kaya masustentuhan ang bagay na ito. Tulungan natin sila visit Real Life Foundation at http://www.igivetolife.com/ at tulungan natin silang makatapos sa kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang pangarap.
Alamin mabuti ang tinatawag na Tourette Syndrome visit http://ticawaywithme.blogspot.com/.