>
Aside sa walang kamatayan na pagrereklamo ko patungkol sa mga nangyayari sa paligid ko at sa pagiging techie kuno ko may puso naman ako at kababawan at yun ang pagkahilig ko manood ng teleserye, oo as in teleserye na Filipino nahawa kasi ako sa mom ko na mahilig manood ng teleserye lalo na sa hapon syempre no choice di ako makapanood ng cartoon sa oras na yun dahil siya ang Primetime Kontra Bida ng buhay ko pag manonood ka ng tv dahil sya ang may control pagdating sa remote control kung ayaw ko matulog sa hapon e di magtyaga ako sa panonood ng teleserye at noong panahon na yun hit pa ang Mara Clara sa channel 2 at Valiente sa channel 7 and that time wala pa akong idea sa mga pinagsusulat ko dito sa blog ko like the cheap medicine bill, mmda, pgma and and Singapore HDB.
Up to now na ngayong mahilig na ako mag bigay ng mga opinyon at reklamong nakakarindi dito sa blog ko dahil paulit ulit ang mga nangyayari sa walang kamatayang issue ng bayan dahil sila sila rin ang naglalabasan ng baho na parang soap opera yan sa Primetime na ngayon present ako lagi sa harap ng TV ko pagkatapos ng news. May soft side naman ako kahit paano kahit tamaan pa ako ng kidlat proud jologs at couch potato talaga ako kasi isa lang gusto ko mangyari sa buhay ko sa mga oras na yun dahil gusto ko marelax, manood sa mga drama at komedya sa tv, it may not be that intellectual pero one thing lang ang alam ko may attachment lahat ito sa mga tao dahil similar ito sa nangyayari sa kanila at sa mga dreams nila.
To be honest muntik na ako maluha sa pagkamatay ni Celine sa Maging Sino Ka Man last Friday.