>
Malayo na ang narating ng tinaguriang “the farmer’s son” na si Bugoy Drilon. Mula sa pagiging sanitation worker sa kanyang paaralan sa Bicol, hanggang sa maging 2nd Star Dreamer sa Pinoy Dream Academy Season 2, isa na ngayon si Bugoy sa mga freshest artists ng Star Records dahil sa kamakailan ay inilabas na ang kanyang first solo album na may album title na ‘Bugoy: Paano Na Kaya?’ .
Lumabas man na pangalawa sa Pinoy Dream Academy Season 2, pinatunayan pa rin niyang kaya niyang maging number 1 sa puso ng nakararami. Sa katunayan, ang kanyang unang hit song na ‘Paano Na Kaya’ na isinulat ni Mr. Ryan Cayabyab ay consistent number 1 at na-nominate pa bilang Song Of The Year sa kanyang mga targeted radio stations nationwide. Ang kanyang carrier single para sa kanyang bagong album na “Muli” ay patuloy na umaangat sa hit chart at hindi na malayong maging numero uno rin ito.
Kasama sa album ni Bugoy ang kanyang kauna-unahang hit song na ‘Paano Na Kaya’ (Ryan Cayabyab). Ang ilan pang tracks na kasama ay ang Kung Pwede Lang Sana (Vehnee Saturno), Muli (Vehnee Saturno), Bakit Ba (Jonathan Manalo), Simulan Mo Isang Pangarap (Ryan Cayabyab) at Lahat Ng Yan (Vehnee Saturno).
Pinalalabas na rin sa Myx ang mga music video ni Bugoy back to back sa ABS-CBN bago mag-sign off ang station.
Pinarangalan bilang Most Promising Male Performer of Asian Entertainment Awards 2008, Utang umano ni Bugoy ang kanyang tagumpay sa kanyang mga taga-supporta at avid followers kaya naman todo todo ang pasasalamat nito.
“Taos puso po akong nagpapasalamat sa kanila sa pag-suporta nila sa akin. Hindi lang po ‘yong una kong kanta, pati po ‘yong pangalawa kong kanta magiging No. 1 na din po. Kaya maraming salamat sa paniniwala nila sa talento ko,” pahayag niya.
Ipagdiwang ang Valentine’s day ng mas maaga at samahan sina Bugoy, Laarni at iba pang PDA scholars sa kanilang pre-Valentine show na gaganapin sa February 13 sa Ratsky (Morato). Magkakaroon rin ng mall show si Bugoy sa SM Clark on Sunday, February 8 and at SM Sta. Rosa on February 22.
Wag kaligtaang kumuha ng kopya ng unang solo album ni Bugoy na pinamagatang ‘Bugoy: Paano Na Kaya’ na pinrodyus ng Star Records, mabibili na sa lahat ng record bars nationwide. Visit starrecordsph.multiply.com or www.starrecord.ph for more updates
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;