>“The effects of abuse are devastating and far-reaching, … With this investment, we’re not just providing more services, but services that meet the distinct needs of women from a broad range of backgrounds, because domestic violence speaks many languages, has many colours and lives in many different communities.” – Sandra Pupatello, Minister Responsible for Women’s Issues
Wala nang mas kumplikado pa sa usapin ng Human Rights lalo na ngayong ika – 60th anniversary ng Universal Declaration of Human Rights na ang isang tao ay hindi aware sa kanyang karapatan bilang tao at ang kanyang pagkatao. Nasanay tayo na kapag pinag usapan ang human rights ay lagi tayong step forward pagdating sa pagsagot sa mga issues tulad ng press freedom, racial discrimination, political killings at napakarami pang technical na violation at minsan nalilimutan natin ang ilan sa mga inaakala nating maliliit na bagay ngunit talamak nating nakikita sa lipunan at karaniwang nakukubli na lang sa mga simpleng terminology na “problema sa tahanan”.
Hindi ako teknikal na tao at edukado pagdating sa usapin ng human rights, wala akong sapat na impormasyon at detalye kung sa araw araw ay ilan na ang bilang ng mga taong nasagasaan ang kanilang karapatan pangtao. Pero tulad ng issue ng domestic violence ilan nga lang ba ang may lakas ng loob na nagbabalita at nagrereklamo tungkol sa nararanasan nilang kalupitan. Nagsisilbing piping saksi ang dingding at kisame ng bahay sa bawat kalupitang dinadanas ng karaniwang mga ina at mga anak, pisikal man o emosyonal na pananakit ng mga haligi ng tahahan.
At marahil sasabihin ninyo, marami namang non-government organization at mga sangay ng pamahalaan katulad ng Department of Social Welfare and Development, at bakit hindi doon sila magreklamo. Dalawa lang ang sagot diyan, una dahil sa kahihiyan na maaaring maeskandalo sila at mapag usapan ng kanilang mga kabit bahay, at sa paaralan ng kanilang mga anak na siyang iniingatan nila ang mga murang isipan. At pangalawa, dahil sa kawalan ng awareness na kung saan hindi nila alam na may karapatang pangtao na ang nayuyurakan mula pananakit na dinadanas nila.
Simple man maituturing ang domestic violence kumpara sa naglalakihang political killings na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasusulusyunan ang pagkawala o pagkamatay ng mga taong minsan komontra sa pamamalakad sa isa sa mga namumuno ng bansa, hindi rin ito kasing bigat pagdating sa diskriminasyon base sa kulay at lahi na na kung saan nagmumula ang sigalot ng isang bansa kontra sa isa pang bansa. Hindi katulad ng domestic violence ang human trafficking na kung saan ay naihahatid ang issue patungkol sa usapin ng prostitution at molestation. Hindi ganung kalaki kung ituturing ng iba ang domestic violence, pero hindi ba natin iniisip na ang domestic violence ay maaaring siyang puno ng lahat ng mga ito? Ang tahanan ang siyang unang paaralan para sa mga bata, at ang mga unang guro ay ang kanilang mga ama at ina, an gang kanilang unang aral ay ang mga bagay na nagaganap sa loob ng tahanan.
Ang lahat ng ito ay nakikita ng mga bata hanggang sa paglabas niya sa kanyang tahanan papuntang paaralan ay dala niya ito, hanggang sa paglaki, at sa pagbuo ng kanyang pamilya. Inaamin ko walang perpektong pamilya, may hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa pero sa kabila nito hindi ba natin kayang i-differentiate ang mga karaniwang problema at sa mga problemang minsan ay may kasama nang pagyurak sa pagkatao at pasang bunga ng pagbubuhat ng kamay? Hahayaan pa ba natin na ang isang tahanan noon ay maging isang simpleng bahay na lamang?
PASAKALYE
Minsan may nagtanong sa akin, bakit ang isang kagaya ko na nagwowork sa entertainment field ay malayang pinapahayag ang aking opinyon patungkol sa karapatan at pagmulat ng lipunan na kalimitan ang mga taong kagaya ko ay hindi ganun sineseryoso dahil ang buhay ko at ng mga kagaya ko ay umiikot sa kislap at glamorosong buhay ng entertainment. Ito lang ang sinabi ko na bawat isa ay may karapatan na ipahayag ang kanilang mga ideya taliwas man o sang ayon sa pangkalahatan, hindi boring pag usapan ang pulitika at mga bagay sa lipunan at hindi rin korni pag usapan ang showbiz at artista. Pero sa huli nagkakapareho lang ang lahat pagdating sa usapin ng karapatan, responsibilidad at pagkataom dahil iba man ang mundong iniikutan natin sa trabaho, sa paaralan, sa rangya ng buhay at sa relihiyon at paniniwala, miyembro ka pa rin ng lipunang ito at tatlo lang ang daan ang makiayon, ang tumaliwas o magsawalang bahala.
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;