>Matapos ang ilang taong pamamalgi ni Karylle sa GMA 7 ay pumirma na siya sa ABS-CBN bilang isang Kapamilya at bagong regular host and performer sa ASAP na mapapanood tuwing linggo ng tanghali at ngayong December 14 ay official na siyang i-we-welcome ng mga kapamilya niya sa ASAP na kakompetensya ng dating show niya sa Kapuso network ang SOP.
Noong December 9 nang pumirma si Karylle sa ABS-CBN sa Executive Board Room sa Main Building ng Kapamilya Network kasama sina Senior Vice President for Entertainment na si Cory Vidades, Business Unit Head Deo Edrinal, Carlo Orosa ang manager ni Karylle sa STAGES at David Cosico ang Personal Manager ni Karylle na siyang lumabas sa www.ABS-CBN.com.
Bago naging official si Karylle as ABS-CBN Artist ay lumabas na siya sa Trade Launch ng ABS-CBN noong November 25 sa SMX Mall of Asia, at sa Dream Match: De La Hoya VS Pacquiao sa MGM Grand Las Vegas, Nevada noong December 7 para kantahin ang Lupang Hinirang. Sa kabila nito hindi pa rin naaalis ang issue kay Karylle patungkol pakikipaghiwalay ba niya kay Dingdong Dantes and siyang dahilan ng paglipat niya ng station at ang kadahilanan ng paglipat niya sa STAGES (ang namahala sa West Side Story na nilabasan nila ni Christian Bautista) mula sa dati niyang talent management na Genesis na pinamamahalaan ng mag-asawang Gary Valenciano.
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;