>May mga kuwentong di man kasinglaki ay kasinghalaga lang ng mga usaping tulad ng pulitika, krisis, at ekonomiya, at kung tutuusi’y mas malapit pa sa puso ng mga ordinaryong mamamayan.
Ito ang mga kuwentong bibigyang buhay ng batikang ABS-CBN news reporters na sina Atom Araullo, Sol Aragones, at DZMM commentator at beteranong radio reporter na si Anthony Taberna sa bagong programang “Kalye: Mga Kuwento sa Lansangan” simula Lunes (Sept 22).
Tunghayan ang mga hindi pangkaraniwang kuwento sa lansangan, maanomalyang gawain, istoryang nagaganap sa gabi, at iba pang mga kaganapan tulad ng demolisyon, pagpuputol ng puno, aksidents, o mga batang itinatapon sa basurahan.
“Ito yung mga kuwentong hindi nagiging headline pero gustong marinig ng mga tao dahil mas naiiugnay nila ang kanilang mga sarili dito,” paliwanag ni Taberna, na tumanggap kamakailan ng Benigno S. Aquino Jr. Fellowship for Professional Development for Journalism na bigay ng Embahada ng Amerika.
Layon ng “Kalye” na himayin ang nagaganap sa ating kapaligiran, isaayon sa konteksto ng kinagisnan ng ating lipunan, at himukin ang mga taong gumawa ng aksyon.
Tatlong istorya ang sasainyo bawat linggo na ihahatid ng tatlo sa pinakaaktbong mamahayag na eksperto na sa pag-uulat ng mga balitang krimen at iba pang pangkalahatang kaganapan.
Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng “Kalye: Mga Kuwento sa Lansangan” ngayong Lunes (Sept 22) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;