>
ANG SA WARI KO: Yes, breastfeeding is best for the baby, but their are circumstances na ang isang ina ay walang kakayahan magprovide ng gatas para sa kanyang anak. Nakikiaayon ako sa ilang mga sektor ng lipunan na nagsasabing makakabuti ito sa mga bata, pero tulad nga ng sinabi ko na una, na kung ang isang ina ay walang kakayahang magbigay ng gatas sa anak ay magreresultang kailangan gumawa sya ng substitution para may mainom na gatas ang kanyang anak, at iyon ay ang commercial milk na galing sa baka. May mga ilang sektor ngayon na kailangan makibaka, magsampa ng asunto sa korte laban sa mga commercial milk providers dahil sa mga ilang maling impormasyon daw sa kanilang mga commercials. Ang sa wari ko lang maaari man mali o tama ang parehong grupo sa kanilang impormasyong ibinibigay. Ang malinaw na usapin lang ay ito, mainam ang breastfeeding sa bata ngunit sa panahong walang kakayahan ang isang inang makapagproduce ng gatas may laya siyang mag painom ng gatas mula sa baka o commercialize milk at hindi ito kasalanan na kailangan dalhin pa sa korte o anumang hearing. Di ako elistang kumakampi sa mga milk providers ang ideya ko lamang ay sa pangyayaring tulad nun mayroon dapat mabilis na pamamaraan, totoo man o hindi ang mga impormasyong nilalabas sa mga commercials nila.