>
Akala ko si Gloria ang nagsasalita at hindi si Hillary Clinton. Pakiramdam ko nagpakulay siya nang buhok at nagpa-bleach nang kaunti para pumuti and medyo nagdagdag nang height. Kidding aside, maaari siyang maging unang babaeng presidente nang US pero di natin maikakaila may mga ilang puntos na nakadikit sa pangalan nya na di rin natin maikakaila na nangyayari dito sa bansa.
Una, ang kanyang asawang naging sentro nang usap usapan na noong nakaupo pa ito sa posisyon na nakaakibat ang issue nang morality, at ang issue na totoo ba silang naghiwalay after nilang magkalaboan, same question nang mga unang taon ni Gloria sa posisyon totoo bang hiwalay na sila si Mike Arroyo? Pagkatabos sumambulat ang issue na ito madali ring naglaho kagaya nang kung paano nagkibit balikat na rin ang mga tao sa US sa issue ni Bill Clinton sa pleasure business niya with Monica Lewinsky who became an instant star sa US. But opposite kay FG, the giant behind the powerful woman in the country who tries to hide in his wife’s skirt, Hindi natin maiiwasan ang katanungang nasaan na si Pidal, at bakit sa bisperas nang ZTE Broadband Investigation ay para siyang langaw na mabilis umiwas sa pagbugaw nang senado papuntang Hongkong.
Pangalawa, sa issue ang opinsiba sa terosismo, kung Iraq ang issue sa US na kung saan isa si Hillary sa pagbibigay nang kapangyarihan kay George Bush Jr. sa opinsiba nang US laban sa Iraq at ngayong tatakbo siya bilang presidente and isa sa mga plataporma niya ay harapin ang iba pang suliranin nang bansa nila maliban sa gulo sa Iraq, tila isang malaking katanungan, inaatras ba niya para sa kapakanan nang bayan niya o nang sarili niyang kapakanan para makuha niya ang suporta nang makakaliwa . Di yan malalayo sa gulong nagaganap sa Pilipinas, ilang beses at ilan taon na rin ang gulo sa Mindanao bakit hanggang ngayon hindi pa ito matapos tapos, di naman sagot ang Human Security Act na ilang buwan na ang nakakaraan na siyang nilagdaan ni Gloria, instead mas naging delikado ito sa mga taong magiging biktima nang mga tiwaling nasa pamahalaan sa panahong naiipit sila, kaakibat na rin ito sa isyu nang mga di pag sipot nang mga miyembro nang kabinete sa mga hearing, sa anong kadahilanan, dahil utos nang pangulo. Pero hindi pera nila ang siyang iimbistegahan sa mga hearing na ito kundi ang mga perang nagmumula sa buwis nang mga mamamayan na tahasang ibinubulsa at kinikick back patungo sa makakapal nilang wallet, kahit paano natapos na rin ang anim na taong moro moro sa plunder case ni Erap pero tila napakadali na rin ang pagpanukala nang pardon, dahil ba nangangamoy na rin ang 2010 at naghahanda na ang mga iilan kung paano mag amoy mabango sa paningin nang mga masa. Sa wari ko hindi reconcillation ang dapat na tawag sa mga gawaing ito kundi reconstruction nang kanilang plano, platamorma at propaganda, sana mga lang sa kapakanan nang nakakarami ito at di lang nang mga iilang makikinabang sa kaban nang bayan.
At huli, isang katanungang magagampanan ba nang isang babae ang isang posisyong titingalain nang lahat nang bansa, ang pinakamakapangyarihang pusisyon sa buong mundo at iyon ang maging presidente ang Estados Unidos. Hanggang ngayon may mga taong di pa rin tanggap ang pamamahala nang mga babae sa mga mga sangay sa lipunan dahil ang iilang ito na ang tingin nila sa babae ay emosyonal at mahina. Pero ang sa akin lang ang babae ay may pusong inang ituturing ang kanyang pamahalaan bilang isang anak na dapat alagaan at payabungin hanggang umunlad, ngunit ang ang sa akin lang din ay sa kabila nang kanyang malambot na puso at maemosyong pamamahala, may katigasan ba ang kanyang ulo at paninindigan upang itaguyod ang prinsipyo at pangangalagaan ang nangangailangang bayan at di papayag na masakupan basta basta nang mga taong uhaw sa kapangyarihan na magkukubli sa katausan nang isang asawa.
Ang sa wari ko lamang maging bukas ang mga pananaw natin sa mga nangyayari sa ating paligid bukod sa kung ano ang ikinasasaya sa ating paningin at pandinig, kung anuman ang paniniwala at relihiyon natin. Kung sa US ay abala na sila sa 2008 sana maging handa tayo sa malayo pang tatahaking 2010, di po ako tatakbo o namumulitika, ako lamang ay nagpapaalala.