>
I’m not a fan of those people in uniform, lalo na sa araw araw na napapanood ko sila sa TV at sa kasamaang palaad hindi pa maganda ang balita. Mula sa kotong cops, mga pulis na kasama pa sa mga sindikato at higit sa lahat police brutality. Sad to say na kung sino pa ang mga taong aasahan mo na magdedepensa sa welfare ng tao sila pa ang nangunguna sa pag gawa ng mali na mas nakakasira pa ng pagtitiwala ng tao sa gobyerno at batas.
Kagabi sa Probe, pinakilala ang Manila’s Finest, ang Manila Police District na makainlan lang ay isa sa mga nahuhuli pagdating sa performance nila. At base sa nakaraang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nakita nila ang pagkukulang sa hindi pagpapatupad ng Miranda Rigthts (Doctrine) na kung saan nagsisilbing karapatan ng sinumang taong dadakipin ng pulis. Para sa kaalaman ng lahat ito ang dapat sabihin ng mga pulis:
“You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to have an attorney present during questioning. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you.”
Sa kasamaang palad hindi nila ito kabisado kahit nakasulat ito sa kanilang police book at nakapaskil pa sa kanilang opisina pero balewala ito dahil parang bola kung pagpasa pasahan ang mga ebidensya, parang punching bag ang mga inaresto at higit sa lahat dinaig pa ng mga nag iimbestiga ang isang talk show kung magtanong sa mga suspek kahit wala ang mga lawyer nila at mga nangunguna sa mga pagkakamaling ito ay ang mga 15-30 police, ang mga pilis na pumapasok lang sa araw ng sweldo.
Ang sa wari ko lang naman ay hari nawa na maayos ng NCRPO ang mga ganyang suliranin sa pulisya, minsan makakapag isip ka pa ng dalawang beses bago ka lumapit sa pulis, kung sila ba ay panig sa batas o gumagawa ng sarili nilang batas.
Images courtesy of Probe (ABS-CBN Now)