>
Naging isang malawak na responsibilidad na ang pagiging isang ina, natural man o bokasyon. Kung noon ang isang pagiging ina ay nalilimitahan lamang sa isang babaeng nagdala ng anak sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at iniluwal ito mula sa kanyang dugo at laman. Ngayon unti unti nang nagbabago ang anyo at pananaw sa tinaguriang responsibilidad at obligasyon ng ilaw ng tahanan. Mula sa inang nagluluwal, patungo sa isang babaeng piniling mag ampon ng isang batang aankinin niyang bilang anak sa kadahilanang hindi niya kaya magbuntis. Habang ang ilang mga yaya at mga kasapi ng bahay ampunan ay naging ina rin dahil ang responsibilidad ng pagkalinga at ang pagturing sa isang batang kapos sa pag aalaga ng totoong ina ay isang kapamilya. Kasama na rin ang mga yaya at mga naninilbihan sa mga bahay ampunang nagsilbing ikalawang ina na siyang pumuno sa kapos na kalinga ng mga mga inang nagtratrabaho at mga inang tinalikuran ang kanilang mga responsibilidad. Ito ang mga babaeng pinili ang bokasyon na maging isang inang ng mga batang hindi man lang nagmula sa kanila pero dahil sa tawag ng pagkalinga, pagkupkop, at pagmamahal ay tinanggap nila ito bilang nagmula rin sa kanila. Sa mga amang naging ilaw na rin ng tahanan na tinanggap ang responsibilidad nito na gabayan ang mga anak na iniwan sa kanya ng kanyang nagtratrabahong asawa o namayapa na. Ang mga inang nasa ibang panig ng bansa na nagtratrabaho upang mapunan ang pangangailangan ng pamilya lalo na ng mga anak. Tiniis ang mga malulungkot na gabi na malayo sa yakap ng mga anak para sa tawag ng trabaho.
Bilang pakikibahagi sa Mother’s Day Celebration, isang pagpupugay sa inyong mga inang tiniis at di inalintana ang siyam na buwang pagdala ng inyong mga anak sa sinapupunan hanggang sa pagluwal, sa mga inang kumupkop ng mga anghel na nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga, sa mga babaeng pinili ang bokasyon bilang maging ikawalang ina sa mga batang kapos sa pag aruga, sa mga amang tumayo na rin sa responsibilidad na maging ina sa mga anak, at sa mga inang lumayo sa mga pamilya at anak para magtrabaho sa malayong bansa isang pagkilala sa inyong mga kadakilaan. Iba iba man ang ibig sabihin ng salitang ina, pero isa lang ang ibig sabihin ng salitang ito kundi pagmamahal.
Subscribe to Email Blast
addthis_pub = ‘YOUR-ACCOUNT-ID’;