>
Sapat ang suplay ayon kay Gloria Macapagal Arroyo na kung saan umangkat ang gobyerno ng 335, 500 tonelada ng bigas mula sa sa Vietnam, Thailand at Pakistan na nagkakahalaga ng $ 237.5 million o mahigit sa P9.8 billion para masuportahan ang pangangailangan ng bansa hanggang sa anihan ng bigas sa Hunyo.
Habang ang ilang fastfood chain ay nakiisa sa panukala ng Department of Agricultue sa pagbabawas ng serving ng mga kanin para maiwasan ang mga nasasayang na tira tirang mga kanin, at sa pangunguna ng Chowking isa sila sa mga pagseserve ng half rice sa mas mababang halaga at ang rice fever na ginagawa ng Tokyo Tokyo. Habang ang Pan de Amerikano ay nagsimula ng sariling kampanya na pabalot na kung saan ang mga natitirang pagkain ay maaaring itake home o ipabalot, at ang mga fastfood kagaya ng Jolibee at Mc Donalds ay hanggang ngayon ay pinag aaralan pa ang panukalang ito. Ayon sa Dept of Agriculture, mayroong 25,000 na sako ng bigas ang nasasayang araw araw na kung saan nagkakahalaga na 22 Million.
At pakiusap din ng mga food outlet na sana naman daw ay umorder ang mga client nila na sapat na pagkain para maiwasan ang pagkasayang sa mga pagkain lalo na ang bigas.
Ang sa wari ko, hindi naman kawalan ang pag babawas ng unang serving ng pagkain lalo na’t kung sosobrahan natin ay may tendency na masasayang ito, ang pagsunod na ito ay hindi sa pagpapakita sa pagsuporta kay PGMA na kung saan maaaring isipin ng iilan pero ang pag sunod na ito ay para sa kapwa rin natin at sarili na maaaring maging biktima rin kung magkaroon man ng shortage sa bigas at ibang pangunahing pangangailangan.