>Last January 25, inilunsad ng Department of Education, Philippine Business Education at ng mga teachers institution ang Teacher Ko Idol Ko campaign na naglalayon na ienganyo ang mga kabataan na may kakayahang magturo at may quality na maging isang mabuting guro na mag aral ng education at ipagpatuloy ang nasabing profession. Alinsunod sa paglulunsad ng kampanyang ito ay ipinakita ang 30 sec campaign na kung saan kasama sina Ms. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na parehong teen idols.
Kasabay nito ay ipinakilala ang 1000 Students to become teachers project na kung saan naglalayong magbigay ng scholarship sa mga pinaka-matatalinong na senior students ng high school na pwedeng mag major ng English, Math at Science, na pagkagraduate sila ay kailangan nilang bumalik sa kanilang mga probinsya para magturo public schools na hindi bababa ng limang taon.
Para sa karagdagan information visit www.pbed.ph