>Saying goodbye to 2009 along with its bitter memories and bringing good memories with us as we go another year of journey to 2010. Isang malaking hamon ang taon na ito para sa ating mga Filipino ngayong ito ang panahon ng pagpapalit natin ng mga nakaupo sa posisyon lalo na ang posisyon ng pagkapangulo. Nawa ang aral ng 2009 at mga nakaraang taon ay magsilbing paalala sa atin na hindi na natin dapat ulitin ang mga pagkakamali bagkos gamitin natin ito bilang aral sa mga pagdadaanan pa natin sa 2010. Patuloy nawa rin tayo maging matatag sa mga hamon sa buhay at panatiliin natin ang pananalig sa ating sarili, sa kapwa at sa Poong Maykapal.
Mula sa may akda ng blog na ito ay binabati ko ang lahat ng Happy New Year at nawa’y maging mabiyaya ang taong ito para sa lahat na hindi lamang babase tayo sa kung ano ang swerte kundi sa pamamagitan ng ating mga paggawa at pagpapala ng Maykapal. Maraming salamat at God Bless!
var addthis_pub=”angsawariko”;