>
Sa kabilang banda naman ay nagtataka ang isa sa mga may akda ng panukalang ito na isa ring doktor na si Rep. Ferjenel Biron ng 4th District ng Iloilo na ayon sa kanya nakasaad sa Generics law na generic lang ang pwedeng ilagay ngunit nasa doktor na ito kung ilalagay nila ang brand ng gamot at ayon din sa kanya hindi rin nangangahulugan na mababa ang quality ng gamot na mura. Ngunit itinakda pa rin ng PMA ang kanilang motorcade sa January 27 bilang kilos protesta.
Ang Sa Wari Ko: Maipasa man ng Cheaper Medicine Bill ay nakasalalay pa rin sa doktor kung paano nila pangangalaagan ang kalusugan ng pasyente, generic man o branded ang kanilang ireseta. Sang ayon ako sa layunin ng mga doktor na isipin ang kapakanan ng mga pasyente para gumaling agad pero sa kabilang banda ay iniisip ko rin ang kapakanan ng mga pasyenteng may kakayahang makabili ng gamot na inirereseta sa kanila. Imbis na generic lang ang pagtuunang pansin, marahil gumawa ng isang panukalang tutulong pababain ang halaga ng mga gamot na branded para abot kayang bilhin ito ng mga pasyente o gumawa ng isang grupo sa Department of Health na tutulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong o financial support sa kanilang pagpapagaling. Sana mas bigyan ng pansin ng gobyerno ang bigyan ng dagdag budget ang kalusugan ng mga mamamayan bukod sa pinapatibay nilang security ng bansa.