>Pormal nang nakipag alyansa ang People’s Champ Manny Pacman Pacquaio sa Nacionalista Party standard bearer Manny Villar para sa 2010 election. Naganap ang pagsasanib pwersa ng NP at ang local party ni Pacquiao na People’s Champ Movement sa mansion nito sa General Santos City matapos matapos ang birthday niya noong December 17 na kung saan ang pirmahan ay naganap na ng hating gabi (Dec 18). Kasama nina Villar at Pacquiao si Ilocos Norte Representative Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na tatakbo naman sa pagka-senador.
Si Pacquiao ay tatakbo bilang congressman sa Sarangani, pero noong 2007 ay tumakbo si Pacquiao sa partido ng LAKAS na pinamamahalaan ni President Gloria Macapagal Arroyo bilang congressman ng South Cotabato. Habang noong June 2009 ay nagpakita ng suporta si dating Presidente Joseph Ejercito “Erap” Estrada kay Pacquiao pero ngayon ay selyado na ang pagsasanib pwersa nila ni Villar. Sa kabila nito ay malakas pa rin ang loob ng Lakas Kampi CMD officer na si Prospero Pichay na nasa partido pa rin nila si Manny at parte lamang ng publicity ni Villar ang pagsasanib pwersa nila ni Pacquiao at hindi na ito i-a-acknowledge ng Commision on Election (COMELEC). Pero ayon kay Pacquiao ay kay Villar sila aalyansa sa kadahilanang ang susuportahang kandidato ng Lakas Kampi CMD sa Saranggani na makakalaban ni Pacquiao sa eleksyon ay si Roy Chiongbian.
Bukod sa pagsabak ni Pacquiao muli sa pulitika at ang ilang beses na pagkapanalo niya sa boxing na kung saan ang pinaka-latest nya ay ang World Boxing Organization (WBO) welterweight title, ay pasok sa 2009 Metro Manila Film Festival ang movie niyang Wapak Man at kasama dito ang actress na si Krista Ranillo na naidikit ang pangalan nila ni Manny sa isang eskandalo.
Bukod kay Pacquio ay nagpakita ng suporta ang Wowowee host na si Willie Revillame at King of Comedy Dolphy na mayroon ding movie na entry sa 2009 Metro Manila Film Festival ang Nobody, Nobody But Juan.
Image courtesy of TV Patrol World
var addthis_pub=”angsawariko”;