>Isang pelikulang pampamilyang siguradong aabangan ng lahat ngayong Pasko kasama ang King of Comedy Dolphy ang Nobody, Nobody but Juan na official entry ng RVQ Prioduction, Jeo Aldeguer Productions and Kaizz Ventures sa 2009 Metro Manila Film Festival.
Iikot ang istorya tungkol sa kay Juan (Dolphy) na isang war veteran na nakatira sa nursing home sa Chicago na nangarap umuwi sa Pilipinas sa dalawang dahilan, una ang ma-reconnect sa mga kaibigan niyang nakasama niya noong panahon ng giyera at ang makapunta sa ABS-CBN at makasali sa Wowowee. Kasama ni Dolphy ang mga beterano at mga baguhang mga artistang magsasama sama sa isang family comedy film na ito para pasayahin kayo ngayong Pasko. Kasama sina Eddie Garcia, Gloria Romero, Pokwang, Heart Evangelista, Eugene Domingo, Vandolph, Eric Quizon, Epy Quizon, Berwin Meily, G Tongie, and Mar Lopez, with special participation of Mr. Wowowee himself Willie Revillame, Andoy Ranay, Ricci Chan, Long Mejia, Brad Pete at marami pang iba.
Aside sa suportang pinakita ni Mother Lily sa Nobody Nobody but Juan na siyang nagbigay ng venue para sa presscon ng pelikula nito sa Valencia ay nagbigay din ng suporta sa King of Comedy at sa buong cast ng pelikulang ito ang ABS-CBN, The Filipino Channel (TFC), Bench, Samsung, Mang Inasal, Komeya Q3, Prostamen 3 in 1 supplements for men’s health, Cory Quirino World of Wellness, Taichi Liniments, and media partners Yes FM 101.1 and 90.7 Love Radio.
Nobody, Nobody but Juan is directed by Eric Quizon and screenplay by Bibeth Orteza. It’s premiere night is on December 17 and regular screening is on December 25 in all theaters nationwide.
var addthis_pub=”angsawariko”;