>
Sabay ng engrandeng 15 Year Anniversary Celebration ng premiere movie cable channel na Cinema One, darating ang pinakamaiinit na mga celebrities sa Cinema One Originals Awards Night sa November 15 sa ABS-CBN Dolphy Theater!
Magsisilbing host ng awarding ceremonies ang grand slam winning actor at Drama Prince Piolo Pascual at ang bagong box-office star Eugene Domingo! Ilan sa pinakakilala at pinapanood na mga celebrities ang magpi-present ng awards sa iba’t ibang kategorya. Makakasama din ang mga magagaling na filmmakers tulad nina Danny Zialcita, Cannes Film Festival director Brillante Mendoza, blockbuster directors kasama na sina Joyce Bernal at Cathy Garcia Molina. Maghahandog din si Sam Milby ng di malilimutang number!
Nasa ika-limang taon na simula 2005, walang tema ang Cinema One Originals ngayong taon upang hikayatin ang mga filmmakers na magkaroon ng kakaiba at out-of-the-box na plotlines. Dahil dito ay mas nakakasorpresa ang limang Originals finalists. Sila ang sweet comedy Maximus & Minimus nina direktor Na Jamir at Jimmy Flores kasama ang mga bituing sina Cai Cortez, Baron Geisler, Mikel Campos, Liza Lorena at Malou Crisologo. Ang thriller na Wanted: Border ni director Ray Gibraltar at mga artistang sina Rosanna Roces at Raffy Tejada. Ang mystery-fantasy Bala Bala ng writer-director Melvin Brito at mga bituing sina Richard Quan, Glenda Resureccion, Jao Mapa at Angel Jacob. Ang romantic comedy na Paano Ko Sasabihin na pinangungunahan nina Erich Gonzales at Enchong Dee at sa ilalim ng direksyon ni Richard Legaspi. Ang pambatang pelikula Si Maymay Si Baning at ang Asong Si Bobo ng writer-director Rommel Tolentino kasama sina Rio Locsin, Simon Ibarra at Gene Karley Largueza.
Dagdag pa sa di malilimutan sa digital film festival ngayong taon ay ang hurado nito na kasama ang 4-time grand slam winning actress at Star for All Seasons Vilma Santos, award-winning filmmaker Khavn dela Cruz, screenplay writer Armando Lao, ABS-CBN Creative manger at award-winning writer Ricky Lee, at myembro ng Manunuri ang Pelikulang Pilipino at Dean of the College of Mass Communication sa UP Diliman Rolando Tolentino.
Ang Cinema One Originals Digital Film Festival ay prinodyus at pagma-may ari ng Cinema One at ng Creative Programs, Inc sa pamamagitan ng taunang Cinema One Originals project.
var addthis_pub=”angsawariko”;