>
Matapos mag announce sina Senators Manny Villar, at Noynoy Aquino at Defense Secretary Gilbert Teodoro ay matunog na rin ang pangalan ni Senator Chiz Escudero na kilalang kilala bilang isa sa mga kritiko ng pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nagbabalak tumakbong presidente sa 2010 National Election na kung saan nag umpisang lumabas ang mga TV plug niyang ang tema ay “Bagong Umaga” simula noong kaawaran niya noong Saturday, October 10 na kung saan ganap siyang naging 40 years old, edad na kung saan minimum age para maging qualified sa posisyon ng pagka-pangulo.
Matapos ang birthday niya nung Sabado ay dapat sana ay magdedeclare na siyang tatakbo bilang pangulo under sa National People’s Coalition pero ayon kay Escudero mas pinili niya na hindi muna mag announce ng kandidadura dahil mas gusto niyang bigyang tuon ang pagtulong sa mga kababayan niyang nasalanta sa bagyo at ayaw niyang mag announce sa panahong nasa kalunos lunos na situation ang bansa bukod dito ay nakaplanong mag announce ang kanyang partido o NPC sa darating na October 21.
“Mas nabuo ang paniniwala ko na tumakbo sa darating na halalan dahil hindi tama ang ganitong ginagawa ng gobyerno, hindi ang dating gawi na lang” ito ang tugon niya sa katanungang tatakbo siya matapos niyang mag ikot at makibalita sa mga nabiktima ng bagyo sa bandang Pangasinan. Pero ayon kay Escudero hindi pa napapanahon ang pag anunsyo at ang kagustuhan niyang tumakbo bilang pangulo ay sa pansarili lang niyang opinyon.
Naging matunog na pwedeng maging tandem ni Escudero na si Senator Loren Legarda na kung saan ay bukas na sa planong tumakbo sa anumang posisyon. Habang itinanggi naman ni Escudero ang balitang pag uusapan nila ni dating President Erap Estrada na may plano silang bumuo ng tandem. Sa kabila na ang NPC ang magdedecide na kung sino ang papatakbuhin nila sa election ay nag bigay na ng statement si Escudero na handa siya sa hamon ng pagtakbo sa 2010 election. Nakatakdang mag bigay ng announcement ang NPC kung sino ang kanilang standard bearer sa October 21.
***
Habang unti unti nang nagpapahayag ang mga pulitikong gustong tumakbo sa 2010 Election, sana hindi lang tayo magfocus kung paano nila ginawa ang kanilang announcement na parang mga clift hanger ng mga teleserye sa TV. Dapat magfocus tayo sa kanilang mga plataporma at kung ano ang mga ginawa, dun tayo mag base at hindi sa mga gimik nila para makuha ang attention ng mga tao lalo na ang mga botante. Bukod dito patuloy kong ipinapaalala na sa katapusan ng October ay siyang huling araw na rin ng registration at inaanyayahan ko ang 18 pataas na hindi pa nakaka-register ay mag register na para mg bumoto kasama na rin ang mga 17 years old na kabataan na magiging 18 years old bago o sa mismong araw ng election.
var addthis_pub=”angsawariko”;