>Double the fun and double the Kuya Mania, dahil ngayong Sunday magbubukas na ang pinaka sikat na bahay ni Kuya kasama ang bagong batch ng house mate para sa Season 3 ng Pinoy Big Brother na tinawag na Double Up.
Nagkaroon ng press conference sa Plaza Ibarra sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez at Business Unit Head na si Direk Laurenti Dyogi. Ayon kay Direk Lauren bukod sa pagbabagong ginawa sa bahay na may touch of European ang motif ngayong season na ito ay ito ang season ng PBB na never pang nangyari sa anumang franchise ng Big Brother sa buong mundo.
Natanong din sa press conference kung naisip ba ng management at production ng PBB if magpalit ng host, ayon kay Direk Lauren nakadikit na sa PBB ang pangalan nila Mariel, Toni at Bianca na pare parehong nakapasok na sa bahay at naging house mate. Si Bianca na siyang naging Celebrity House mate ng unang PBB Celebrity Edition at naging 3rd Big Placer ng edition na yun, habang si Toni at Mariel ay nakapasok sa PBB House at naging guest housemate noong PBB Celebrity Edition 2 na kung si Mariel ay tumagal ng ilang linggo sa loob ng bahay ni Kuya at naging Big Sister noong nag-leave si Kuya sa bahay niya.
http://www.kyte.tv/f/ch/31649/575775&tbid=k_32&p=s
Ngayong season na ito ay si Mariel ang nakaassign sa PBB Double Up Uber na mapapanood bago mag TV Patrol, si Toni naman ay nasa Primetime slot at si Bianca ay naka assign sa PBB Uplate na pagkatapos ng ANC shows at PBB update na mapapanood 3 times a day. At tuwing eviction night ay sama sama nating makikita ang tatlong angels ni Kuya tuwing Saturday at kapag nomination night naman ay si Toni ang host.
Ngayong Sunday, 7:30PM ay bubuksan na ni Kuya ang kanyang bahay para sa new sets of house mate niya, iniimbitahan ng PBB na salubungin at samahan ang mga bagong house mate na papasok sa bahay at maninirahan sa Big Brother house for almost 100 days.
Narito ang list ng mga nanalong Big Winners sa mga edition at season ng Pinoy Big Brother: Nene Tamayo (PBB Season 1), Keanna Reeves (PBB Celebrity Edition 1), Kim Chiu (PBB Teen Edition 1), Beatriz Saw (PBB Season 2), Ruben Gonzaga (PBB Celebrity Edition 2) at Ejay Falcon (PBB Teen Edition Plus). At ang bawat edition ay nagkaroon ng themesong; Pinoy Ako para sa Season or 100 days, Sikat ang Pinoy para sa Celebrity Edition at Kabataang Pinoy para sa Teen Edition. Bukod kina Toni, Bianca at Mariel, naging host din si Willie Revillame noong Season 1, Jayson Gainza ang Man on the Street interviewer noong Season 2 at Luis Manzano para sa Teen Edition Plus.
var addthis_pub=”angsawariko”;