September 14, 2009 – Mula sa pagiging kaalyado ng dating pangulong Joseph Ejercito Estrada ay pinatamaan ni Senator Ping Lacson si Erap sa kanyang privilege speech sa senado. Ayon sa kanya prinotektahan at pinakinabangan ni Estrada ang pera mula sa jueteng na siyang naging mitsa ng pagkakatanggal nito sa posisyon noong taong 2000 sa kanyang pagiging pangulo ng bansa.
“Ping, iniisip ko na pagbigyan na lang nating tong Jueteng” ito ang sabi ni Lacson ka kanyang speech na kung saan hinihiling daw si Estrada na hayaan na lang ang jueteng na kung saan ay nagbebenifit ang mga local government. “Sir, illegal yan at saka presidente na kayo huwag na kayo makialam sa jueteng”, ito ang naging tugon ni Lacson kay Erap matapos niyang magulat sa sinabi ng dating pangulo sa kanya patungkol sa pagsuporta nito sa illegal na jueteng. Ayon kay Lacson mula sa sinabi niya ay naramdaman niyang nairita sa kanya ang dating pangulo kaya pinag sabihan siya ito na saka na lang daw sila mag usap uli.
Ayon kay Lacson ay tatlong beses niyang kinausap ang pangulo patungkol sa hindi pag sang ayon nito sa jueteng na kung saan nagresulta ito ng pag antala ng kanyang appointment kasama na rin dito ang minsan hindi pagkausap ni Estrada sa kanya. Ayon kay Lacson naapektuhan ang kanyang trabaho dahil mismong mga big incidents kagaya sa Mindanao ay hindi niya magawang ibalita kay Estrada dahil hindi nito sinasagot ang tawag niya sa kabila ay diretsuhang kinakausap lang nito ang mga subordinates ni Lacson. Bukod sa jueteng ay dinawit din ni Lacson si Estrada sa issue ng smuggling na kung saan pinaluhot nito ang ilang containers na may lamang chicken breast sa customs at isang barko ng smuggled na bigas mula sa Cebu at Bohol. Ini-reveal din ni Lacson na pinilit ni Estrada sa negosyanteng si Alfonso Yuchengco para ibenta ang pag aari nito sa PLDT kay Manny Pangilinan, at nabalitaan ni Lacson na ginamit ni Erap ang mga pulis sa pamimilit nit okay Yuchengco.
Itinanggi ni Lacson sa unang pahayag ni Estrada na may kinalaman siya sa Dacer-Corbito murder. Hindi inamin ni Lacson ang dahilan ng pagkadelay ng kanyang mga statement na nilabas sa araw na ito, pero ang tanging mensahe niya ay “God Save the Philippines from Joseph Ejercito Estrada”, ito ay nagpapakita ng kanyang pag-oppose sa balak nitong muling pagtakbo ng Erap sa 2010. Ito pa lang ang simula ng mga mensahe at statement na ilalabas ni Lacson sa Senado tuwing magkakaroon siya ng chance makapagbigay ng kanyang mensahe.
Estradas answer back
Nagbigay ng pahayag ni dating presidente Joseph Estrada patungkol sa speech ni Lacson, ayon sa kanya walang katotohanan ito at hindi niya maintindihan bakit nagawa niyang magsalita ng kasinungalingan sa Senado. Ayon sa kanya “Sinabi ko sa kanya bigyan mo ng prioridad yang kidnapping, car napping at drugs, yang jueteng hindi naman crime yan maraming nabubuhay dyan na maliliit na tao isang kahig isang tuka”, ayon kay Estrada na makakatulong ang jueteng sa mga mahihirap na taong kubrador na siyang source ng kinabubuhay niya, ayon sa kanya ay balak niya itong legalize sa PAGCOR.
Habang binalaan naman ni Senator Jinggoy Estrada si Lacson na kung hindi ito titigil sa mga sinasabi niyang kasinungalingan ay magagawa nitong isiwalat ang nalalaman niya sa senador. Ayon kay Jinggoy kaya nagagawa ni Lacson ito ay naiipit ito sa issue ng Dacer-Corbito Double Murder case na kung saan gusto i-divert ang balita sa ibang bagay at mapunta ito kay Erap. Ang maaaring dahilan kaya nagagawa ito ni Lacson ayon kay Jinggoy ay may iba itong manok sa darating na election. Ngayong Martes (September 15) ay nakatakdang sagutin ni Jinggoy ang mga sinabi ni Lacson sa kanyang privilege speech sa Senado.
var addthis_pub=”angsawariko”;