>Mula sa huling mensahe ni Ambassador Henrietta T. De Villa, Chairperson of the National Movement for Free Election (NAMFREL) and Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay maging bayani tayo ng bayan at manghikayat pa ng mga bagong bayaning babago sa sistema at kinabukasan ng bayan.
Bilang chairman ng dalawang mahalagang posisyon sa dalawang samahan sa lipunan ang PPCRV at NAMFREL, ang pangunahing adhikain ni Ambassador De Villa ay ang mismong magkaroon ng mapanuri maayos at matinong election na kung saan ang bawat isang boboto ay boboto na naka-ugat sa totoo, mabuti at tama. Nakilala ang dalawang samahang pinamamahalaan niya ngayon bilang tagapagbatay at tagapagtaguyod ng responsableng pagboto na siyang kontra sa mga anomalya at dayaang nagaganap tuwing election.
Sa launching ng Moral Force Movement sa Far Eastern University Main Auditorium last August 31. Hinikayat ni Ambassador De Villa na maging bayani para sa bayan at makiisa sa pagbabagong maaaring mangyari sa 2010 Local and National Election. Bukod sa pakikiisa ay inaanyayahan din ni Ambassador De Villa na maghikayat din ang bawat isa na maging mulat at maging responsableng botante sa darating na taon. Ayon sa kanila sa sama sama bating pagbabantay at pagkilos ay makikita natin ang tunay na Transformational Leaders at aangat ito sa mga kandidatong ang tanging hangad sa pagtakbo ay mga pansariling interes lamang o mas kilala sa tawag na transactional leaders or mga trapo.
Narito ang kumpletong speech ni Ambassador De Villa sa naganap na launching ng MFM sa FEU Main Auditorium.
http://www.kyte.tv/f/ch/340816/547990&tbid=k_35&p=ls
Sa ngayon bukas ang NAMFREL at PPCRV sa mga nais makibahagi sa kanilang mga adhikain bilang mga volunteers.
var addthis_pub=”angsawariko”;