Nakuha ko na ang 13th month ko last November pa pero hindi ito kenektado sa pinagpuputok ng butsi ko ngayon kundi para ito sa mga manggagawa sa gobyerno na hanggang ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang kanilang Christmas bonus na 10K na dapat noong December 15 pa nila nakuha pero ang mga Kongesista na nakakuha na ng 200K na bonus pero ayon kay JDV hindi daw ito derektang mapupunta sa mga congressman kundi sa kanilang mga tao. Ang tanong ay ilan talaga ang mabibigyan na siguradong hindi ghost employee ng gobyerno na hanggang ngayon di pa rin nasasagot ang mga problemang tulad nito. Mainam kung para nga sa mga tao nila pero ang isa ring katanungan paano kung ang ilan ay hindi? Nakakatawang isipin ang sinabi ng isang kongresista na nakukulangan pa siya sa 200K na check na nakuha niya at idinadadaing pa niya ang pagod nilang mga nagtratrabaho mabuti. Ang sa wari ko lang di ba trabaho ninyo iyon kaya kayo tumakbo sa posisyon para di patabain ang inyong bulsa kundi ang ayusin ang pamumuhay ng inyong mga nasasakupan bukod sa mga basketball court at pagpapapintura ng mga gutter at pedestrian lane? At mas nakakatawa ring isipin ang statement ng Budget Department na pondo daw ito ng Kamara at sila ang bahala sa paggasta ng perang ito, at ibang usapan na lang daw kung tama o mali ang paglaan ng malaking bonus sa mga konresista. Ang gusto ko lang ipunto ay napakadaling sabihin ng Budget Department na bahala na daw ang Kamara sa paggasta sa perang ito dahil galing ito sa pondo nila, hindi ba pondo ito ng mga taong nagbabayad ng mga buwis nila? Di ito pera ng knga kongresista pero ito ng taong bayan.
Pasko naman na ayaw ko mahighblood… haaaaayyy….
Image from TV Patrol World (TFC Now!)