>var addthis_pub=”angsawariko”;
Sa nalalapit na pagtatapos ng termino ni President Gloria Macapagal Arroyo at sa huli o 9th State of the Nation Address niya sa Monday July 27. Patuloy pa rin ang pangampa ng nakakarami kung ito na ba ang huling SONA at huling taon niya sa posisyon matapos ang ginawang kampanya ng Constitutional Assembly sa Congress o ang pag a-amend ng Saligang Batas ng bansa. Pero tulad ng sinabi ko noon hindi napapanahon at hindi kailangan ng pagbabago ng konstitusyon para lang masolusyunan ang kahirapan at katiwalian sa bansa lalo na sa gobyerno.
Para sa isang ordinaryong mamamayan, ang lipunan at ang pamahalaan ay walang pinagkaiba sa isang panaderong nagluluto ng pandesal sa isang pugon, kung sakali masunog ang pandesal niya kailangan bang palitan ang lutuang ginagamit niya? O kailangan ayusin ang pamamaraan ng kanyang pagluto at ang pag monitor sa temperatura ng lutuan niya o ang pugod. Hindi ko kailangan ipaliwanag sa kumplikadong pamamaraan kung bakit hindi ako sang ayon sa pagbabago ng konstitusyon, tama na ang kwento ng isang panadero. Ang panadero ang pamahalaan, ang pandesal ay ang mga mamamayang Filipino na siyang diniderakta ng pamahalaan sa loob ng pugon na siyang gobyernong o administrasyon ng nakaupong pangulo at ang mga sangay nito. Ang ang pamamaraan ng pagluto ay ang mga batas, programa at mga bagay bagay na kinasangkutan ng pamahalaan. Maaring maluto ng hilaw ang pandesal na kung saan kulang ang naibibigay ng gobyerno sa pangangailangan niya, mula sa edukasyon, kalusugan, at security sa bansa. Ang pandesal ay nasusunog rin tulad ng tao nag aapoy ang galit nila sa gobyernong maraming kontrobersyal at eskandalong kinasasangkutan, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, at maraming iba. Ang pandesal lamang ay naluluto kung sakaling maayos ang pamamaraan ng panadero, magiging maayos ang bansa kung paayos ang pamamahala ng namamahala. Sa lagay na ito kailangan pa bang magpalit ng lutuan ang panadero kung sa kanya mismo nakasalalay ang ikakaayos ng kanyang niluluto. Kailangan ba ng pagbabago ng konstitusyon para lang maayos ang problema ng bansa? O sa pamamahala at namamahala nagmumula ang kaayusan ng gobyerno?
Para sa mga kongresistang ipinagkanulo ang kanilang mga kababayang bumoto sa kanila. Alam ba ng mga bumoto sa inyo na ipinagkanulo ninyo sila para makiisa lang sa pagsulong ng Con Ass? O tinanong nyo ba muna sila kung nararapat ba ang pagbabago ng konstitusyon sa bansa at makakabuti ba ito sa pangkalahatan o sa pansarili lamang?
Ang may akda nitong blog na ito ay nakikiisa sa mga netizen na kontra sa Con Ass, tulad ng mga kasama ko Sa FilipinoVoices.com at mga kaibigan sa Blogger Kapihan at mga individual na lumalaban at tumutuligsa sa bagay na ito. Ikaw kapwa ko netizen sumali ka sa adhikaing ito narito ang mga kailangan mong gawin:
- Mag-blog tayo tungkol sa con-ass at gamitin ang blog action day web banners sa ibaba at ang anti-con-ass banners sa NoToConAss.com
- Online petition. Lumagda sa Kabataan Kontra Cha-cha online petition.
- Text vs con-ass. Ipada sa 09071134503 ang message sa ganitong format: [no2conass] [space][your message].
- Facebook groups at causes. Sumali sa groups at causes gaya ng Pilipinas Kontra Con-Ass, No to Con-Ass!, at Stop Con-Ass Now!.
Tulad ng sinabi ko nood hindi mapapakain ng CON ASS ang nagugutom na pamilya ni Juan de La Cruz, dahil ang totoong solusyon ay ang mabigyan ng tama at maayos na trabaho ang mga nangangailangan nito. Hindi rin maaayos ng CON ASS ang kamangmangan sa bansa dahil hindi kayang ayusin nito ang kakulangan sa libro, silid aralan, at mababang sahod ng mga guro.Hindi magagamot ng CON ASS ang sakit ng mamamayan dahil hindi kayang punan nito ang kakulangan sa gamot, health center at mga health volunteers. Lalong hindi maaayos ng CON ASS ang katiwalian sa gobyerno dahil hindi pagbabago ng konstitusyon ang sagot para maayos ang kurapsyon at katiwalian sa pamahalaan, kundi sa pamamagitan ng pag convict sa mga taong gumagawa ng katiwaliang ito, malaki man o maliit ang katayuan nila sa gobyerno, mayaman man sila o mahirap, dapat panagutin ang siyang may nagawang mali. At para sa ating lahat patuloy tayong magbantay sa bawat pangyayari sa bayan, makialam dahil may responsibilidad ka sa bayan, at magblog nang totoo kahit nakakasira to sa imahe ng bayan, huwag ikubli ang katotohanan at ang katiwalian, huwag tumahimik lamang, apathy ito ang sakit ng karamihan na dapat solusyunan. At magmartsa at lumabas sa lansangan makibahagi sa adhikain at layunin ng streen parliamentary kung kinakailangan huwag ikasiyang manatili sa bahay lamang habang ang iba ay nakikipaglaban at nagproprotesta sa kalsada makibahagi ka sa labang ito.