>var addthis_pub=”angsawariko”;
Kahapon, July 24, 2009, kumalat ang balitang pumanaw na ang dating Presidente Corazon Aquino na kung saan ay matinding itinanggi ng pamilyang ito. Ayon sa kangyang apo na si Justin ‘Jiggy’ Aquino-Cruz na ang balitang kumakalat sa text at internet ay isang false alarm lamang o isang malisyosong balita lamang. Ayon din sa pamilya ni Aquino ang tanging magbibigay lamang ng statement o balita patungkol sa kalagayan ng dating pangulo ay tanging ang pamilya lamang niya ito ang sinabi ni Dr. Eric Nubla, ang spokesman ng Makati Medical Center.
Nag umpisa ang kaguluhan noong nagkaroon ng misa sa Manila City Hall na kung saan sa kalagitnaan ng communion ay may natanggap silang text nagsasabing pumanaw na ang dating pangulo at ito ay ibinalita ni Retired Supreme Court Justice Adolf Azcuna na natanggap niya ang balitang ito sa text ngunit ito ay itinanggi ni Ms. Margie Juico ang private secretary ni Aquino. Ayon kay Juico ay buhay pa ang dating pangulo at sana’y itigil na ang ganitong mga malisyosong balitang kumakalat sa text. At ito naman ay sinang ayunan ni Manila Mayor Alfedo Lim na kung saan ay pumunta sa Makati Medical City para malaman kung totoo ang balitang ito.
Sa panahong ito ay patuloy pa rin ang pagdating ng suporta at panalangin para sa dating Pangulong Corazon Aquino kasama na rin ang paglalagay ng yellow ribbon ng mga tagasuporta niya sa kanilang mga bahay at lansangan na kung saan nagpapaalala sa ginawa niyang paglaban noon sa rehimen ni ferdinand Marcos at ang pagbabalik niya ng demokrasya noong Martial Law.