>var addthis_pub=”angsawariko”;
Last Sunday sa The Buzz buong tapang na inamin ni Kris Aquino sa co-hosts niyang sina Boy Abunda at Ruffa Guttierez at sa buong viewers ng afternoon showbiz program nila na ang mother niyang si former President Corazon Aquino ay in pain na kung saan nadiskubre nila na ang colon cancer ng kanyang ina ay nasa stage 4 na.
Ayon kay Kris ay kaya niya ito sinasabi sa mga viewers at dahil may karapatan silang malaman ito dahil public figure ang kanyang ina at para na rin walang masabi ang mga ito na may itinatago ang kanilang pamilya kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Nagpaalam rin si Kris na kung saan may mga panahong absent siya sa mga palabas niyang tulad ng The Buzz at SNN: Showbiz News Ngayon at sa kadahilanang mas gusto niyang nasa tabi siya ng kanyang ina at ayaw niyang darating ang panahong pagsisisihan niya ang pagpasok niya na wala ang siya sa tabi ng kanyang ina na si Cory Aquino.
Muling lumalapit si Kris Aquino sa mga taong bayan na ipagdasal ang kanyang ina para ma-lessen ang sakit na nararamdaman nito. At nagpapasalamat din siya sa mga taong walang tigil sa pagsuporta at pagdadasal para sa kanilang ina.