>var addthis_pub=”angsawariko”;
Sa araw na ito may nagaganap na mga misa sa iba’t ibang parte ng bansa na kung saan idinadalangin ang kagalingan ng dating Pangulo ng bansa na si Corazon “Cory” Aquino ang biyuda ni Benigno Aquino Jr. ang senador na napaslang noong panahon ng rehimeng Ferdinand Marcos. Si Cory ang nagtuloy ng labang ito para tapusin ang martial law sa bansa at nanalo siya sa snap election na sa tulong din ng mga Filipino na sumama sa People’s Power. Ngayon humaharap si Cory sa panibagong pagsubok sa buhay, nakitaan siya noon ng cancer sa colon, at nag undergo ng chemotherapy, ngunit nitong nakaraang linggo ay isinugod siya sa Makati Medical City, as of press time ay nagpapagaling na ang dating pangulo. Pagaling ka Tita Cory kailangan ka pa ng iyong mahal na bansang Pilipinas. Ipagpatuloy ang laban Tita Cory!