>
var addthis_pub=”angsawariko”;
Nagdesisyon ang Commision on Higher Education na i-move ang pasukan sa June 15 base na rin ito sa banta ng Influenza A(H1N1) sa bansa na kung saan unang tinamaan ang De La Salle Uniiversity na kung saan nakapagtala ng unang kaso sa isang unibersidad na nagmula ito sa isang 20 years old na foreign exchange student. Habang nakapagtala na rin ng unang kaso ang A(H1N1) sa Far Eastern University sa Sampaloc Manila na kinumpirma ito ng FEU Medical Director na si Dr. Blance Destura at dinala na rin ang nasabing estudyante sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para ma-quarantine at magamot. Ayon kay CHED Deputy Executive Attorney Julito Vitriolo ang kadahilan ng pagsuspinde nila ng klase sa mga kolehiyo at unibersitad at pag urong nito sa June 15 ay para na rin magkaroon ng oras ng self quarantine ang mga student na nanggaling sa ibang bansa.