>var addthis_pub=”angsawariko”;
Mala sa anim na naitala kahapon ay nadagdagan pa ng apat na kaso ng A(H1N1) sa bansa, ayon kay Department of Health secretary Eduardo Duque III ay nahawa ang apat na bagong kaso ng A(N1H1) virus mula sa mag inang Taiwanese na kung saan ay kasama nila sa umattend sa kasal sa Zambales. Ang mga nahawaan ay isang 24 years old na mother at ang anak nitong 1 year old na babae, isang 47 years old na lalaki at isang 13 years old na lalaking banyaga at sila ngayon ay naka-quarantine na at ginagamot ngayon.
Kabilang sa sampung kaso ng A(H1N1) sa bansa ay isang 1 year old na batang babae na galling sa America, 13 years old na batang lalaki na galling sa Hongkong, at ang dalawang umattend ng kasal sa Zambales na 55 years old na lalaki at 26 years old na babae. Habang ang ikasiyam na 10 year old na batang babae Canada at USA at ang ikasampung 50 year old na babae na galling sa Chicago USA ay magaling na at nakauwi na habang ang mga kamag-anak nila at nakasalumuha at negative sa A(H1N1).
Habang mayroong 25 na case ang minomonitor ang DOH kung positibo ba sila sa sakit na ito, kasama na rin ang dalawang Filipino Japanese na minomonitor sa Japan na kung saan ay nagkaroon ng A(H1N1) virus ng pagdating nila sa Japan pagkagaling nila sa Pilipinas. Sa ngayon ay mayroon nang 13, 398 na kaso ng A(H1N1), sa 48 na bansa habang 95 dito ay namatay na. Ayon sa DOH ay wala pa rin out break sa bansa na kung saan hindi kailangan mag panic ang tanging kailangan gawin lang ay ang mag ingat at magbantay.