>Bukod sa basketball, isa nanamang banyagang laro ang kinahuhumalingan ngayon ng mga Pilipino – ang football. Ang mga larong tulad nito raw ang unti-unting pumapalit sa mga larong Pinoy tulad ng patintero,luksong-tinik at sipa.
Ngayong Martes (Jan 19) sa “The Correspondents,” samahan si Dominic Almelor sa kaniyang pagsabak sa football kasama ang mga batang nahihilig dito at umaasang maiaangat ang buhay sa paglalaro nito.
Si Joseph, Roberto, at Christian ay pare-parehong laking Tondo at ngayo’y masigasig na naglalaro ng football bilang miyembro ng Futkalero team. Ani Roberto, hindi hadlang ang kahirapan sa larong ito. Sa katunayan, si Joseph ay star player ng football sa Arellano University.
Lahat sila umaasang kilalanin ang kanilang koponan balang-araw. Silipin ang kanilang pangangarap ngayong Martes (Jan 19) sa “The Correspondents” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates sa The Correspondents http://thecorrespondents.multiply.com.
var addthis_pub=”angsawariko”;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;
Enter your email address:
Delivered by FeedBurner