>Beginning January 10 (Sunday) mag sisimula na ang total gun ban sa bansa in connection sa 2010 National Election na magaganap sa May 10 at ito ay babantayan ng Commision on Election (COMELEC), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) at malilift ang ban na ito hanggang June 10. Tanging ang mga pulis, sundalo, mga government at government accredited protective agencies ang papayagan na magdala ng baril hanggang sa election at wala naman exemptions ang mga politicians na kung saan kailangan pa nilang mag apply sa COMELEC para sa mga security escorts na manggagaling lamang sa PNP, AFP at PNP Private Agencies para maiwasan na rin paglaganap ng private armies lalo na ngayong ito ang unang Poll Automation ng bansa. Ipinagbabawal na rin simula sa Sunday ang replica ng mga baril, air gun at air soft na bitbitin, habang ang mga bagong bili na baril ay hindi muna makukuha sa loob ng election period ang mga ito ay mapupunta pansamantala sa custody ng PNP.
… new election problem arises
Sa May 10 na ang election dumating man ang machine na gagamitin sa election kahit na-delay ito ay sa January 25 pa nakatakdang mag print ng almost five million ballots pero hanggang ngayon hindi pa final ang listahan ng mga kandidatong ilalagay rito. Dahil ang mga ilang na-disqualified ay umaapila pa rin hanggang ngayon at may dalawang linggo na lang para mafinalize ito at maihabol sa printing ng ballots. Habang ang mga 80, 000 ballot boxes naman ay hindi pa nagagawa dahil hindi ito kasama sa automation contract pero ipapagawa pa rin ito sa Smartmatic International Corp. (Smartmatic) / Total Information Management Corporation (TIM) na siyang nag manufacture ng counting machine. At kulang din ang bilang ng mga tao ng COMELEC para sa voter’s education na kung saan mayroon na lang less than a month na lang bago ang mismong election.
Blogger’s POV
Ayaw ko maging negative pagdating sa issue na kinakaharap ng COMELEC lalo na’t base sa proposed calendar nila ay dapat nag umpisa na noong December ang voter’s education at ang tanging nagawa nila ay ang demonstration sa mga piling grupo lamang na hindi malinaw kung paano nila isinasagawa ang prosesong ito o wala mang anunsyo sa kanilang website. Ilang beses ko na rin kinausap ang mga representative ng COMELC pero sa kasamaang palad ay tila namimili sila ng kakausapin o wala silang sagot na maibibigay sa mga concerns ng mga taong maraming taong ukol sa automation. Tanging panalangin ko na lang ay maging maayos ang election ay ma-meet lahat ng deadlines na kinakailangan ayusin ng COMELEC.
var addthis_pub=”angsawariko”;
nuffnang_bid = “e682da9cbfb6dff4b2924d091a2df663”;
Enter your email address:
Delivered by FeedBurner