>
Last November 3 ay muling ginawa ng ABS-CBN News and Current Affairs ang kanilang ANC 2010 Leadership Forum in line sa nalalapit na 2010 Election para mas makilala at makilatis sa ng taong bayan ang mga taong sasabak sa pagkapangulo ng bansa. This time ginawa ang forum sa College of Medicine Auditorium sa University of Santo Tomas at tinawag itong Harapan: The ANC Presidential Forum, na kung saan opisyal nang nagpasa ng mga certificate of candidacy (COC) sa Commision of Election at parmal nang sasabak sa halalan sa 2010 kumpara sa mga naunang leadership forum ng ANC.
Ang presidential forum ay pinagunahan ni Ted Failon, anchor ng TV Patrol World, Failon Ngayon at Tambalang Failon at Sanchez sa DZMM. Habang ang nasa panel naman ay sina Senator Richard “Dick” Gordon (Partidong Bagong Bayan), Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III (Liberal Party), Former Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro (Lakas Kampi CMD), Former President Joseph Ejercito “Erap” Estrada (Pwersa ng Masang Pilipino), Olonggapo Councilor JC De Los Reyes (Ang Kapatiran Party), Jesus is Lord Leader Bro. Eddie Villanueva (Bangon Pilipinas), at environmentalist Nicanor Perlas (Independent) pero sa kasamaang palad ay hindi nakapunta si Nacionalista Party standard bearer Manny Villar dahil sa may importante itong lakad.
Bukod sa usual light question ng mga audience ay napag usapan ang issue ng Maguindanao, pagtakbo ni President Gloria Macapagal Arroyo sa 2nd District ng Pampanga, usapin ng Reproductive Health at ang nepotismo sa gobyerno. Narito ang mga highlights ng mga sagot nila:
Gloria Arroyo as House Speaker while you are the President:
Teodoro – Inaasahan niyang susunod ni PGMA sa platapormang binuo nila sa kanilang partido sa kanyang pangungina bilang pangulo nito.
Estrada – Ayon sa kanya hindi na dapat tumakbo ang pangulo (PGMA) bilang congresswoman in respect of the office of the President.
Perlas – It is a huge shame ang pagtagkbo ni Arroyo.
Villanueva – Hindi siya naniniwala na magiging Speaker of the House si PGMA dahil gagamitin niya ang full force ng pagiging presidente niya.
Gordon – “I’m in favor of changing the constitution but not under the control of PGMA”
Aquino – “ I will stand up against any measure against the constitution”
Delos Reyes – Hindi siya sang ayon sa pagtakbo ni PGMA bagamat legal ito ay labag sa delikadesa.
Naging controversial din ang tanong na kung ano ang gagawin mo sa unang isang daang araw nila sa posisyon bilang pangulo ng bansa.
Teodoro – patuloy na pag aalaga sa poorest of the poor
– pagpapatibay sa basic education reform
– patuloy na pagpapatupad at pagpapaayos ng mga nasirang infrastructure
– pagpapatuloy ng paghahanap at pagsusuri ng iuupo sa mga agency
– pagconvene ng arm forces at national police for security and peace order
– pagconvene ng mga council of state
– magpakita ng non tolerance sa graft and corruption and transparency sa gobyerno
Erstrada – food security program through local agriculture
– peace and order
Perlas – tatanggalin lahat ng smoke belcher
– lilinisin ang BIR at Bureau of Customs
– ihinto ang private armies
– massive agricultural program
Villanueva – issue Presidential Proclamation para pasalamatan ang Diyos
– Mag-issue ng executive order creating National Commission for Peace and Progress
– Creating a Commission waging serious war against corruption, injustice and poverty
Gordon – Babaguhin ang kalooban ng Filipino as a Sincere changed country
– number one dapat ang education and health at hindi ang debt servicing
– convince IMF at World Bank to get debt monitorium
Aquino – job generation
– education
– health
– judicial reform
Delos Reyes – Will have retreat and pray to strengthen himself
– papangunahan ang mga Filipino na magpakumbaba dahil ang suliranin ay problemang moral
– pabalikin ang mga OFW sa pamilya nila
Here is their actual stand on the issue of Reproductive Health
http://www.kyte.tv/f/ch/31649/705094&tbid=k_106&p=s
Watch the replay of Harapan: The ANC Presidential Forum on December 6 on Sunday’s Best timeslot on ABS-CBN and keep posted on ANC Channel for the announcement of its replay, you can watch it also online on TFC NOW’s News on Demand by subscribing to http://now.abs-cbn.com
The first Harapan dismays me seeing the 7 presidential candidates na hindi nila alam gaano at kung paano sasagutin ang mga tanong at mga issue. Pero dahil nga unang mga forum pa lang ito at di pa talagang nararamdaman ang competition kaya ganun pa sumagot ang iba, sana man lang bago dumating ang mga huling araw bago ang eleksyon maayos na ang paninindigan nila at may kongkreto na silang panukala. Mayroon pang natitirang almost 5 months bago ang eleksyon, marahil igugulong natin ito para makilatis mabuti ang mga sinasabi at ginagawa ng mga kakandidatong ito at lumiligaw para sa ating boto. Magi sip tayo n g mabuti at magkumpara dahil ang isang boto natin sa Mayo ay magiging anim na taong kaginhawaan o kahirapan natin at ng bayan.
var addthis_pub=”angsawariko”;