>Sino ba ang hindi mahilig kumain lalo na kung ang hinanda sa harap mo yung tipong wala nang tayuan sa mesa dahil sa sobrang sarap. Ito ang naranasan naming mga bloggers matapos ang Keso de Gallo event ng Kraft Eden Cheese na ginawa sa Bacolor Pampanga sa San Guillermo Church noong Christmas Eve na kung saan after ng Misa de Gallo ay tumungo kami papuntang Angeles City sa Pampanga para bisitahin si Chef Claude Tayag at ang kanyang may bahay na si Ms. Mary Ann Quidoc-Tayag na isa namang columnist ng The Philippine Star sa kanilang bahay/restaurant na ang pangalan ay Bale Dutung.
Welcome drink nila Chef Claude and Ma’am Mary Ann sa mga bloggers at sa mga members ng Kraft. Freshly squeeze orange and combined with manggo at ang ice made of sweetened manggo puree.
Chef Claude’s famous chocolate batirol with pinipig and nicholas (cookies). Something to warm our stomach sa malamig na umaga sa Pampanga, and it really warms our belly kasi sa secret spice na sinama niya sa drink na ito.
I never thought that the usual dinuguan na paborito kong iulam sa kanin ay iseserve lang as soup sa Bale Dutung, and the reason why I love Chef Claude’s Dinuguan is that buo buo pa ng blood at beef ang meat na ginamit. With chili leaves and instead of vinegar ang ginamit pampaasim, he uses kamias.
Tamales, ham, Kraft Eden Cheese ground beef and chorizo on my plate heaven ang almusal talaga sa Bale Dutung nila Chef Claude Tayag.
Tamales and ground beef with corn, greenpeace, potato and cheese.
Suman, gawa sa malagkit na bigas na hinaluan ng gata at asukal at binalot sa dahon ng saging at ini-steam hanggang maluto. Minsan ginagawa rin ito sa punongkahoy at ubo. Sinasamahan ito ng latik or shredded coconut.
Kulang ang suman if hindi natin ito sasamahan ng mangga at coco jam na mas magpapasarap sa salty sweet ng sumang bulakta ito ang sabi ni Ma’am Mary Ann.
Bikong Pinipig with Latik – Nasanay tayo sa mga biko na gawa sa malagkit na bigas, pero ang ginawa ni Chef Claude ay biko na gawa sa pinipig with the same ingredients pero insted of malagkit ay pinalitan niya ito ng fresh pinipig.
Hindi sekreto para kay Chef Claude ang mga ingedients niya at mga pamamaraan nya sa pagluto kaya inilabas niya ang book niyang Food Tour na kung saan ibinabahagi niya sa lahat ng mga recipies niya. Because Women also Men love to play with kitchen utensils and sometimes can create good food like Chef Claude.
Bukod sa mga niluluto ni Chef Claude ay gumagawa rin sila ni Ma’am Mary Ann ng mga condiments at mga spices tulad ng Aslam (vinegar na hinaluan ng sili, bawang at paminta), crab fat or aligue, chili sauce, balo balo, oriental sauces, pesto at inasal marinade where you can order from them.
With his secret ingredient para sa kanyang Chocolate baterol na medyo may spicy effect sa lalamunan, ang ginagamit niyang panghalo or baterol ay pinasadya niya.
To add up sa zen feel na restaurant nila Chef Claude may sculture ng isang tikbalang or pan (myth creature) sa may pond na kung saan ay bamboo na dinadaanan ng tubig to make it more relaxing.
Relazing ito ang mararamdaman mo pag nasa loob ka na ng Bale Dutung na kung saan hindi mo mamalayan na nasa loob ka ng isang subdivision sa gitna ng Angeles City Pampanga isang magandang getaway mula sa stressful work.
The visit at the Bale Dutung is made possible by Amor Maclang of Geisler Maclang Group, Jannet Toral of Digital Filipino Club and Alex Tacderas of Kraft Food Philippines.
For those who want to visit Bale Dutung to reserve for dining and buy their products please contact Mary Ann Quidoc-Tayag at telephone/fax number (+63)(45) 888.5163 or email them at [email protected]. Bale Dutung is located at Villa Gloria Subdivision, Angeles City, Pampanga.