>It’s official, matapos ang pagsasanib pwersa ng National People’s Coalition at ng Nacionalista Party ay nabuo na rin ang tandem nina Senators Manny Villar at Loren Loren Legarda sa 2010 National Election na kung saan inanunsyo ito sa Laurel House sa Mandaluyong City. Ayon kay Villar ay pareho sila ng advocacy na sinusulong ni Legarda at iyon an gang pagnanais nilang i-eradicate ang poverty at solusyunan ang problema sa kalikasan at climate change na kung saan nakakaapekto ito sa mga kababayan nilang naghihirap. Buong puso naman tinanggap ni Loren ang pagsasanib pwersa nila at ayon kay Villar ang tandem nila ay hindi hinog sa pilit at dahil sa utang na loob.
Bago ang announcement na naganap ngayong November 17 ay pumapangalawa sina Villar at Legarda sa kalaban nila sa Liberal Party na sina Senators Benigno “Noynoy” Aquino III at Manuel “Mar” Roxas II sa survey na nilabas ng Pulse Asia.
Sa panahong ito tanging si Chiz Escudero na lang na siyang kumalas sa NPC ay wala pang anunsyong ginagawa kaugnay sa 2010 Election, habang ang dati nitong kasama sa NPC na si Legarda ay umanib na kay Villar, habang ang mga nag anunsyo na ng kanilang pagnanais tumakbo at may ka-tandem na ay sina Aquino at Mar ng Liberal Party, former President Joseph Ejercito “Erap” Estrada at Mayor Jejomar Binay ng United Opposition, at dating Defense Secretary Gilbert Teodoro at Edu Manzano ng LAKAS KAMPI CMD.
var addthis_pub=”angsawariko”;