>Handa na ang lahat sa pagdating ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Pilipinas ngayong November 12 na kung saan nagdeploy na ang 6,000 na pulis sa buong Metro Manila na kung saan maaaring daanan ni Clinton lalo na ang Department of Foreign Affairs, Malacanang at US Embassy. Nakaantabay din ang NCRPO sa kanilang surveillance camera upang bantayan ang mga lugar na maaaring pagdausan ng mga rally ng mga militante kagaya ng US Embassy.
On Visiting Forces Agreement
Ilang araw bago dumating si Clinton sa bansa ay kabilaan na ang protesta ng mga militanteng grupo na umaalma sa maaaring pagpapalawig ng Visiting Forces Agreement ng US at Pilipinas na maaaring isa sa dahilan ng pagbisita ni Clinton sa banya. Mariing itinaggi ito ni US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney at ayon sa kanya wala na sa isip nila ang usapin ng VFA at tanging nakadepende na lang sa Pilipinas at sa ibang bansa kung ano ang gustong pag usapan ng mga pinuno nito kasama si Clinton sa kanyang mga state visits.
Sa kabila ng pahayag nito ni Kenny ay nagbigay ng statement si 2nd District Ilocos Norte Congressman Bongbong Marcos na kaya pumunta si Clinton ay para matiyak na nila na ang papalit na pangulo kay President Gloria Macapagal Arroyo ay isang AMBOY or American boy na maaaring mangalaga sa interes ng Estados Unidos.
Clinton’s Agenda
Ayon sa Malacanang na ang mga ilan sa mga gagawin ni Clinton sa bansa ay una ang bumisita sa Department of Foreign Affairs, ang meeting nito kay PGMA sa gabi at ang pamamalagi nito sa US Embassy. Kabilang sa activity na gagawin ni Clinton ay ang forum na kasama ang mga piling guest ng US Embassy at ABS-CBN News and Current Affairs na tinawag nilang Hillary Clinton: The Manila Forum na gaganapin sa November 13, 8am na mapapanood sa ANC at www.abs-cbnnews.com. Bukod dito ay nakaplano rin siyang bisitahin ang mga biktima at nasalanta ng mga bagyong Ondoy, Pepeng, at Ramil.
var addthis_pub=”angsawariko”;