>
Opisyal nang iprinoklama ang tambalang Gilbert Teodoro at Edu Manzano bilang presidential at vice presidential bet ng Lakas Kampi CMD ngayong November 19 sa party’s national convention nito sa Philippine International Convention Center (PICC) sa pangunguna ni President Gloria Macapagal Arroyo.
Kabuhayan, edukasyon, kalikasan at human rights ito ang nilalaman ng mga plataporma ni Gibo na kung saan mala-Barack Obama ito ang pamamaraan ng kanyang pagbibigay ng kanyang talumpati pero sa kabila nito ay hindi tulad ng nakagawiang proklamasyon ay itinataas ng out going chairman ng partido ang kamay ng napiling standard bearer ay hindi ito ginawa ni Arroyo ay Teodoro sa panahong ito bagkus ay naupo na lang si Arroyo at nanood ng talumpati ng bagong chairman ng Lakas Kampi CMD.
“I have training and experience in the military, I have work in banking, shipping before I work in the entertainment industry.” ito ang mensahe ni Edu Manzano na siyang nahirang na vice presidential bet ng Lakas Kampi CMD na kung saan binatikos siya sa kanyang credibility para tumakbo bilang vice president. Napabalitang tatakbo sana bilang senator si Manzano under Liberal Party ngunit lumipat siya at naproklama ang tandem nila ni Gibo noong November 13. Tanging mga kapatid at mag anak lang ni Manzano sa proclamation nila ni Teodoro na kung saan napabalitang naghiwalay na sila ng girlfriend niyang si Pinky Webb isang broadcaster sa ABS-CBN.
Habang nagaganap ang proclamation sa PICC ay nagaganap naman sa Quezon City ang paglipat nina Herbert Bautista at Sonny Belmonte sa Liberal Party. Opisyal na ring naproclaim ang tandem nila Benigno “Noynoy” Aquino III at Manuel “Mar” Roxas II sa Liberal Party noong November 16, habang ang tandem nina Manny Villar at Loren Legarda ng pag alyansa ng Nacionalista at National People’s Coalition Party ay ginanap naman noong November 17.
var addthis_pub=”angsawariko”;