>
November 9, Bonifacio Shrine Lungsod ng Maynila, opisyal nang kaipag alyansa ang samahan ni Mayor Alfredo Lim na KKK sa Liberal Party na kung saan susuportahan nina Lim at ang running mate nitong si Isko Moreno na tatakbo sa pagka-Vice Mayor ng Manila sina Noynoy Aquino at Mar Roxas na tandem ng Liberal Party sa 2010 Election.
Isang proklamasyon para sa lokal na pamahalaan ang naganap sa Bonifacio Shrine na kung saan nag anunsyo si Lim ng pagtakbo sa 2010 bilang mayor pa rin ng Maynila kasama si Moreno, at hindi isang pangangampanya. Si Lim ay naging Philippine National Police at National Bureau of Inverstigation Chief noong panahon ni President Corazon Aquino na naging malapit din nitong kaibigan na siyang ina ng standard bearer ng LP na si Noynoy. Habang tumakbo rin si Lim bilang pangulo noong 1998 under Liberal Party na kung saan nakalaban niya sa posisyon sina Joseph Ejercito Estrada ng Laban ng Makabayang
Masang Pilipino (LAMMP) -Partido ng Masang Pilipino, Jose de Venecia ng Lakas-NUCD-UMDP, Raul Roco ng Aksyon Demokratiko, Emilio Osmeña ng PROMDI, Renato de Villa ng Partido ng Demokratikong Reporma -Lapiang Manggagawa, Miriam Defensor Santiago ng People’s Reform Party – Gaby Bayan, Santiago Dumlao ng Kilusan para sa Pambansang Pagpapanibago, Manuel Morato ng Partido Bansang Marangal at Juan Ponce Enrile na tumakbong independent candidate ng panahong iyon.
Lipatan-Kampihan
Sa kabila ng pagsanib pwersa ng KKK ni Lim at LP, naging balita rin ang pagkalas ng ilang members ng bagong sanib pwersang malakas na partido noong September na Lakas Kampi CMD. Ang mga kumalas dito ay sina Vice Chairman Ronnie Puno na siyang inaasahang maging running mate sana ni Gilbert Teodoro, dating Kampi President na si Luis Villafuerte na lumipat sa National People’s Coalition, habang ang mga founders ng Kampi kasama ang uncle ni Noynoy na si dating Congressman Peping Cojuanco na tumulong sa kampanya noon ni President Gloria Macapagal Arroyo ay nagsama sama para suportahan ni Noynoy sa pagtakbo nito bilang presidente. Ayon sa Liberal Party at sa Campaign Manager ni Noynoy na si Butch Abad ay bukas sila sa pag-alyansa sa ibang partido at sinomang gustong makianib sa partido. Habang si Chiz Escudero naman ay kumalas sa partido niyang National People’s Coalition para ituloy ang kanyang kampanyang tumakbo sa 2010 election.
Survey Manipulation?
Minamanipula ng media at survey companies ang pulso ng bayan ito ang parating ni Jesus is Lord founder at bishop na si Eli Villanueva, ito ang pahayag niya noong dumalaw siya sa Dubai noong anniversary ng JIL doon. “Deliverate conspiracy” ito ang linya ni Villanueva na kung saan nadidismaya siya na kulelat siya sa ratings na ginawa ng SWS Survey kasama ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando Jr., at may balita rin nakarating sa kanya na kung saan ibinalita sa kanya ng ilang miyembro ng JIL na wala siya sa choices sa mga survey sa pagkapangulo. Sa kabila nito nanindigan si Villanueva na patuloy pa rin siya sa pagtakbo bilang presidente sa 2010 under sa partido niyang Bangon Pilipinas.
Blogger’s POV
Papalapit na ng papalipit ang araw ng election na kung saan mayroon na lang tayong less than 6 months bago ito. Tulad ng mga dating election makakakita tayo ng mga lipatan at iwanan ng mga partido at alam natin matapos ang lipatan ng alyansa ay patuloy pa rin ang lipatan kahit nasa posisyon na. Ang mga dating administrasyon nagiging oposisyon, habang ang mga dating oposisyon ay humahalik na sa paa ng mga dating kinakalaban nila. Ito ang laro ng pulitika sa bansa mga bagay na dapat bantayan at busisiin ng sinumang boboto sa 2010 election. Matapos ang pagpaparehistro ito ang sunod na step ang mag observe at mag tanong bakit nila ginagawa ito, at ano ang mga nagawa nila. Dahil dito pa lang nakikita natin ang pamamaraan ng pag iisip nila, pagdedesisyon at posibleng pamamahala nila sa bansa.
var addthis_pub=”angsawariko”;