>November 16, pormal nang ipinakilala ng Liberal Party sina Benigno “Noynoy” Aquino III at Manuel “Mar” Roxas II sa kanilang party convention na ginawa sa Balay Expo sa Cubao Quezon City. Bukod dito ay pinakilala na rin ng LP ang partial list ng kanilang mga pambato sa senado kabilang sina Representative Rufino “Ruffy” Biazon, Representative Teofisto “TG” Guingona III, Senator Franklin Drilon, Nereus Acosta, Dating NEDA Secretary Ralph Recto, Akbayan Representative Risa Hontiveros, Sergio Osmeña III, Brigade General Danilo Lim, and Sonia Roco.
Naging usap usapan ang paglipat ng mag asawang Ralph Recto at Governor Vilma Santos sa kung saan kabilang noon sa partido ni President Gloria Macapagal Arroyo noong 2007 si Recto bilang isa sa mga pambato nito sa Senado, habang si Vilma naman ay naging isa sa mga napipisil noong tumakbo bilang vice president sa partido ng LAKAS KAMPI CMD na kung saan si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro ang siyang napiling tumakbo sa pagka-Pangulo. Ngayon tatakbo si Recto bilang Senador sa LP habang si Santos naman ay magiging party provincial chairman sa Batangas.
Patuloy nangunguna si Aquino sa presidential survey sa nilabas ng Pulse Asia na kung saan mayroon siyang 44% habang ang kalaban niya sa Nacionalista Party na si Manny Villar ay pumapangalawa na may 14%, habang sa vice president position ay nangunguna naman si Roxas na may 37% habang si National People’s Coalition vice presidential bet na si Loren Legarda ay may 14% lamang at pumapangalawa. Sa kabila ng pangunguna ni Aquino sa survey ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga issue patungkol sa Hacienda Luisita.
var addthis_pub=”angsawariko”;