>Matapos ang pagkalas ni Senator Chiz Escudero sa National People’s Coalition na kung saan naging usap usapan ang kanyang pagtakbo bilang presidente sa 2010 election. Kinumpirma ni Escudero ngayong November 24 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan kasama ang kanyang supporters na hindi pa napapanahon ang pagtakbo niya bilang presidente sa 2010 Election.
“Napagpasyahan ko na hindi tumakbo bilang pangulo sa darating na halalan. Napagpasyahan ko na hindi lang bilang kandidato ako ay may papel na gagampanan bilang Filipino at ordinaryong botante.” Ito ang mensaheng binitawan ni Escudero na hindi pa siya tatakbo sa darating na halalan pero patuloy pa rin siyang makikialam at makikibahagi sa election bilang Filipino at botante pero hanggang ngayon ay hindi pa niya sinasabi kung sino ang kanyang susuportahan sa darating na election.
Sa panahon ngayon ang mga nagpapahayag na ng kanilang pagtakbo ay sina Benigno “Noynoy” Aquino III at Manuel “Mar” Roxas II ng Liberal Party, Manny Villar at Loren Legarda ng Nacionalista Party at National Coalition Party, Gilbert Teodoro at Edu Manzano ng LAKAS KAMPI CMD, at Joseph Ejercito Estrada at Jejomar Binay. Nag umpisa na ang pagsusubmit ng certificates of candidacy (COC) sa Commission on Election (COMELEC) noong November 20 hanggang December 1, at mismong campaign perion ay mag uumpisa sa February 2010.
Image courtesy of Umagang Kay Ganda.
var addthis_pub=”angsawariko”;