>
Paghahanda na ba ito sa pagtakbo niya bilang Congresswoman sa Pampanga sa 2010 Election? 7 months na lang ang natitira sa panunungkulan ni President Gloria Macapagal Arroyo sa posisyon bilang pangulo ng Pilipinas pero habang papalapit na ang pagbaba niya sa posisyon mas lalong timutindi ang mga issue na binabato sa kanya at kasama na rito ang mansion na pinapatayo sa Nicolas 1, Lubao, Pampanga.
Nabalita na ito sa Philippine Daily Inquirer at nawagan din puntahan ng TV Patrol World ang bahay na di umano pinapatayo ni President Gloria Macapagal Arroyo at habang nag sisiyasat ang TV Patrol World sa lugar na iyon ay nilapitan sila ng isang lalaking nagsasabi na pag aari niya ang bahay na iyon, pero nang magsimulang magsiyasat na news team ng ABS-CBN ay umiwas na ang lalaki. Habang may natagpuan naman silang sasakyan na may pass papasok sa Malacanang at pilit itong itinatanggi ng driver.
Habang nagsalita naman ang Malacanang sa balitang ito ayon kay Usec. Lorelie Fajardo, Presidential Deputy Spokesperson at inamin nila na ginagamit ng pangulo ang bahay na ito kapag ito ay nasa Lubao Pampanga, pero hindi sinabi ng Malacanang kung ang pagpapagawa ng bahay sa Lubao ay parte sa paghahanda sa pagtakbo ni PGMA sa Pampanga.
Ang di umanong bahay na sinasabi sa balita ni Willard Cheng sa TV Patrol at nilabas sa PDI ay nabili ng mga Arroyo ang lupa sa Lubao Pampanga sa taong nangngangalang Leonora Tiongco at sa panahong ito ay nililipat pa sa pangalan ng mga Arroyo ang titilo kaya hindi ito na isama sa declaration of statement of assets and liabilities ng mga Arroyo.
Blogger’s POV
Katotohanan, ito ang gustong malaman ng mga tao at hindi ang paiba ibang statement na nililigaw ang mga Pinoy sa kung ano ba ang totoo at mali sa lipunan.
*Image from TV Patrol World
var addthis_pub=”angsawariko”;