>
October 8, ito ang araw na kung saan ibinigay ng department naming ang araw para sa Sagip Kapamilya, pero hindi kwento ng mga ginawa naming ang gusto kong ibahagi kundi ang reality na nakita ko sa kabila ng anumang nakikita natin sa television, raririnig sa radio, at nababasa sa internet at dyaryo.
Sa Taytay Rizal doon kami dinala at makikita mo na hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente sa ibang parte ng lugar na ito, at babad pa rin sa baha ang lugar na iyon. Naging biktima sila ng Typhoon Ondoy na kung saan tumaas ang tubig kagaya ng sa Marikina at Pasig. Nakakapanlumo ang makikita mo ang ibang parte ay baha pa rin, mga kawad ng kuryente na putol, makakapal na putik sa kalsada, mga bahay na halod tumagilid na dahil sa lakas ng pagragasa ng tubig noong nakaraang pananalanta ni Ondoy, at higit sa lahat ang mga kababayan mong halos mawalan na ng pag asa dahil sa nangyari sa kanila.
To be honest gusto ko maluha sa nakikita ko, nakakapanlumo, pero kailangan mong maging matatag para sa kanila dahil sa bawat supot ng relief na sinusuklian nila ng pasasalamat naroon ang senserity ng pasasalamat nila, may kurot sa puso, hindi dulot ng tuwa, kundi awa na gusto mong gumawa pa ng ibang paraan para tulungan ka at inaamin ko hindi ko pa alam ang maaaring maitulong ko dahil tulad nila simple lang ako at hindi nakakaangat sa lipunan, kaya lahat ng gusto kong ihatid tulad ng mga advocacy ko dinadaan ko lang sa blog na ito, at nagpapasalamat ako sa mga naliligaw at nakakabasa ng mga bagay na gusto kong ihatid sa kanila.
Pero ang mahihiling ko lang sa mga nagbabasa ng blog kong ito na pinahapyaw ko ang larawan ng Taytay Rizal na siyang katulad din na nagyayari sa mga sinalanta ni Ondoy at Pepeng, ipagpatuloy natin ang bayanihan, sa ating social networks magbalitaan tayo sa mga nagaganap, at sa mga magvolunteer at gustong magdonate narito ang link na pwede ninyong puntahan: Patuloy ang Bayahihan para sa Northern Luzon.
var addthis_pub=”angsawariko”;