>Importante para sa isang developing country tulad ng Pilipinas lalo na at humaharap ito sa mga issue tulad ng kahirapan, gutom, problema sa edukasyon, laganap pa rin ang domestic violence at pang aabuso sa karapatan ng kababaihan at bata, suliranin pa rin ang pagtaas ng bilang ng sakit tulad ng AIDS, Malaria, Tuberculosis at maraming iba, at patuloy pa rin ang pagkasira ng kalikasan, marahil nararapat din na maging mapanuri na rin tayo kung sino ang nararapat maupo at manguna sa ating bansa na may mga panukala at platapormang masasagot ang issue na ito.
Noong taong 2000 ay nagsama sama ang mga world leaders ay bumuo ng 8 United Nation Millennium Development Goals:
1. Eradicate extreme poverty and hunger.
2. Achieve universal primary education.
3. Promote gender equality and empower women.
4. Reduce child mortality.
5. Improve maternal health.
6. Combat HIV/AIDS, malaria and other diseases.
7. Ensure environmental sustainability.
8. Develop a global partnership for development.
At dito sa Pilipinas importante ang pito sa goals na ito na dapat isa-alang-alang mabuti ng mga taong bubuto kung nasa plataporma ito ng mga tatakbo sa 2010 Election, hindi lang presidente ang kailangan natin, kundi isang leader ng bansang kikilos at hihimukin ang mga kababayan nitong kumilos para labanan ang problema ng kahirapan.
http://www.kyte.tv/f/ch/31649/586561&tbid=k_122&p=s
***
Stand Up Take Action Pledge
Buong giting kaming naninindigan kasama ang milyon-milyong tao sa buong mundo. Sa paggunita ng Pandaigdigang Araw na Naglalayong Wakasan ang Matinding Kahirapan, inihahayag namin ang pangakong labanan ang matinding kahirapan, gutom at di-pagkakapantay ng bawat tao.
Kami ay naninindigan at di tatanggap ng anumang dahilan habang limampung-libong tao sa buong mundo ang namamatay araw-araw dulot ng matinding kahirapan at lumalaking agwat ng mayaman at mahirap.
Kami ay naninindigan at nananawagan sa mga pinuno na tuparin ang kanilang pangako at mga mithiin ng Millennium Development Goals – at hinihingi naming higitan ang kanilang mga layunin.
Kami ay nananawagan, kaisa ang mga tao mula sa higit isang daang bansa:
Sa aming mga pinuno – gawin ninyong pangunahing tungkulin ang pagsagip sa buhay ng pinakamahihirap, isaalang-ala ang pananagutan sa bawat mamamayan, lutasin ang di-pagkakapantay, maging tapat at matuwid, supilin ang katawalian at itaguyod ang karapatang pantao.
Magkakaiba man ang aming mga tinig, iisa ang aming pangarap. Iisa ang aming layunin at mahalagang hangarin – ang wakasan ang matinding kahirapan at pagkagutom.
Kami ay naninindigan, nananawagan na agad wakasan ang kahirapan upang makamtan ang kapayapaan at kaunlaran na nararapat para sa aming minamahal na bayan.
Batid namin na kami ay may responsibilidad. Bawat isa ay may pananagutan.
Tigilan ang pagdadahilan. Hanggang 2015 na lang! Kumilos, manindigan at tuparin ang mga pangako!
Magkaisa tayo. Labanan ang kahirapan.
NGAYON NA.
var addthis_pub=”angsawariko”;