>Tatakbo bilang pangulo sa 2010 National Election, ito ang pahayag ni dating President Joseph Ejercito “Erap” Estrada noong October 21 sa Plaza Armado V. Hernandez, Tondo, Manila kasama ang napili niyang Vice President sa halalan na si Makati Mayor Jejomar Binay. Ayon kay Estrada panahon na para magbalik sa Malacanang para mag lingkod sa milyun milyong mga masang Pilipino na naghalal sa kanya bilang pangulo noon.
Ayon kay Estrada naging biktima siya ng mga paratang at mga kasinungalingan ng mga taong naninira sa kanya na tinawag niyang mga elitistang gutom sa kapangyahiran. Napatalsik sa posisyon si Estrada noong taong 2000 na kung saan pinalitan siya ng pangulo ngayon ng bansa na si Gloria Macapagal Arroyo na siyang kanyang Vice President noon. Nakulong si Erap sa pamamagitan ng house arrest sa lob ng 6 years and 6 months. Nasangkot si Estrada sa issue ng plunder at jueteng na kung saan hanggang ngayon ay sinasangkot pa rin siya sa hidwaan nila ni Senator Ping Lacson na isinangkot siya sa kaso ng Dacer Corvito Double murder case. Matapos ang ilang taon na house arrest ay pinagkalooban siya ng executive clemency ni Arroyo at muli siyang nakalaya.
Sa kabila ng kanyang pag anunsyo bilang kakandidato sa pagka-Pangulo sa 2010 Election ay nagpahayag ang Malacanang na hindi na siya maaaring tumakbo sa anumang posisyon kahit ang pinakamababang posisyon sa gobyerni, pero nananatiling firm si Estrada sa desisyon niyang tumakbo. Binatikos din ni Estrada ang Arroyo administration na kung saan nakadanas ang mga tao ng matinding gutom at hirap at ibinase niya ito sa lumabas na survey ng SWS.
Ang desisyon kung legitimate man o hindi ang pagtakbo niya sa posisyon ay nakadepende ito sa Supreme Court na pinapangunahan ngayon ni Reynato Puno.
Na-elect si Estrada sa pagka pangulo noong 1998 na kung saan pinalitan niya si Fidel V. Ramos na kung saan siya ang nahirang na Vice President noong nanunungkulan si Ramos. Pinili ni Estrada na mag announce ng kanyang pagtakbo sa Tondo sa kadahilanang dito siya pinanganak at ang Tondo ay isa sa malakas na tagasuporta niya noong tumakbo siya.
Si Estrada ang pinakalatest na nag announce sa presidential race, sa loob ng tatlong buwan, una ay si Noynoy Aquino ng Liberal Party na nagdeklara matapos ang 40 days ng kanyang yumaong ina na si dating presidente Cory Aquino na kung saan si Mar Roxas na siyang naging vice president nito, sumunod si Gilbert Teodoro ng LAKAS KAMPI CMD na kung saan hanggang ngayon ay wala pang vice na napili, at ang pinakabago pero hindi tuwirang nagpahayag ng pagtakbo sa 2010 election na si Chiz Escudero na kung saan ay nagdiwang ng ika-40th birthday na siyang isa sa mga basic requirements ng pagka pangulo, habang si Manny Villar naman ay matagal nang nagpahayag ng kanyang plano sa 2010 election.
***
Blogger’s Point of View
Sa usapin kung sino ang hindi ko iboboto, siguradong isa si Erap doon na kung saan isa ako sa mga nakilahok noong EDSA Dos, at sumubaybay sa napakaraming balitaan at diskusyunan noong panahon ng Eraption, mula sa mamahaling alak, hanggang sa napakamahal na Boracay Mansion, hanggang sa issue ng suhulan at jueteng sinundan ko iyon at nakiisa ako sa bawat pagkilos at pagmartsa ng mga kapwa ko kabataan sa EDSA noon. At hanggang ngayon naninindigan ako tama na ang isang beses na panunungkulan, at ang tanging hiling ko lang sa mga tao ay bumoto ng wasto at naaayon sa inyong konsensya, may mga kaibigan akong Erap supporters at hanggang ngayon sa kabila ng aming pagkakaiba naroon pa rin akong respeto sa kanila.
***
Register to Vote
Registration for October 22-30 from 10 am to 9 pm and on October 31 the registration ends until 12 midnight, just bring the following requirements to avoid delays and problems on your voters registration
var addthis_pub=”angsawariko”;