>Ito ang pangalawang beses ko makausap ang Chief Executive Officer ng WWF Philippines na si Jose Ma. Lorenzo Tan, una ay para sa advocacy section ng Filipino Voices, at ngayon para naman sa Blog Action Day 2009 in relation with Climate Change.
Nakilala ang WWF pagdating sa kanilang active participation sa energy conservation awareness campaign na Earth Hour, isang kampanya na karaniwang ginagawa tuwing month ng March at ang paraan ng participation ay sa pamamagitan ng pagpatay sa loob na 60 minutes, at last year nanguna ang bansa pagdating sa kampanyang ito. Pero sa kabila ng participation ng mga tao ay hinihiling ni Lory na hindi lang hanggang dun ang pagkilos na dapat gawin ng tao, kundi patuloy dapat ang kampanya ng pagmoderate ng tao sa pag gamit ng energy lalo na ng kuryente.
Ayon kay Lory na tulad ng sinabi ni Amalie Obusan ng Greenpeace Philippines ay isang babala ang pananalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng sa bansa na kung saan nagdulot ng malakas na pag ulan at pagbaha sa bansa. At ayon sa kanya ang major contribution ng Climate Change ay paggamit ng fossil fuels na nagca-cause ng malaking volume of carbon emission that causes climate change.
Narito ang video ng aming conversation na naganap noong October 10.
http://www.kyte.tv/f/ch/31649&tbid=k_50&p=s
Quoting Lory’s statement regarding Pandora’s box na inugnay nya sa issue ng environment, ayon sa kanya we need to shut down the box and find the solutions regarding the evil that came out from the box, simple lang ang interpretation ko at iyon ang pakikibahagi ng tao sa mga usapin ng climate change, ang solid waste management na isa sa mga advocacy ko at ang pagtutok natin sa usapin ng deforestation, ang usapin ng climate change ay hindi lamang isapin ng WWF o ng Greenpeace kundi usapin natin ang lahat, we only have one Earth to live at yun ang tandaan natin lahat.
var addthis_pub=”angsawariko”;