>
Talagang pang-world class ang galing ng mga Kapamilya dahil dalawang nominasyon ang nakuha ng ABS-CBN mula sa 2009 International Emmy Awards para sa namumukod-tanging pagganap ni Angel Locsin sa seryeng “Lobo” at ang top-rating teleseryeng na “Kahit Isang Saglit” nina Jericho Rosales at Malaysian model-actress na si Carmen Soo.
Si Angel ang nag-iisang Pilipinong na-nominate para sa acting category. Ang kanyang pagganap bilang taong-lobong si Lyka Raymundo ang ipangtatapat sa iba pang magagaling na aktres mula sa France, Mexico at United Kingdom.
Sa isang text message na binasa ni Kris Aquino sa programang Showbiz News Ngayon (SNN) noong Lunes ng gabi, sinabi ni Angel na masaya siya na mapabilang sa mga nominado sa nasabing award-giving body ngunit aminado siyang hindi lubos na makapagbunyi dahilan na rin sa pinagdaraanan ng ating bansa matapos manalasa ang bagyong Ondoy.
Samantala, ang “Kahit Isang Saglit” naman ay makikipagsabayan sa kategorya ng “Best Telelenovela” kasama ang mga programa mula sa India at France. Ito ay ang kauna-unahang pakikipagtulungan ng ABS-CBN sa isang Malaysian production group (Double Vision) at kinuhanan pa sa mga lokasyon sa Pilipinas at Malaysia.
Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ang ABS-CBN sa Emmys dahil noong 2007, ang programa “Bandila” ay naging nominado rin sampu ng 800 entries mula sa iba’t ibang bansa sa mundo. Ito ang kauna-unahang Philippine newscast na naging nominado sa International Emmys para sa kategorya ng News and Current Affairs.
Ang mga mananalo ngayong taon ay paparangalan sa Gala Night na magaganap sa November 23, 2009 sa Hilton Hotel, New York.
var addthis_pub=”angsawariko”;
>Angel Locsin and Kahit Isang Saglit on 2009 International Emmy Awards
Previous Article>#Ondoy’s Unsung heroes on “Probe Profiles”
Next Article >HOUSE BILL NO. 5043 or Reproductive Health Bill