>
It will be Defense Secretary Gilbert Teodoro or Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando who will be running for the presidential race this 2010 election ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita matapos ipinahayag na hindi na considered si Vice President Noli De castro sa pinagpipilian ng partidong Lakas Kampi CMD
Ayon kay Ermita it’s either Fernando or Teodoro na lang ang pinagpipilian nila dahil si Kabayan ay hindi naman nila kapartido at ayon din kay Gabriel Claudio ang Presidential Political Affairs Adviser ng partido na siyang kumausap na kay Noli ay hindi pa rin klaro kung sasama ba ito sa partido o hindi na kung saan ang deadline nila ay sa September 15 na kung saan ito ay nakatakdang pag anunsyo ng kanilang pambato sa 2010.
Pero ngayon ay hindi na nila mahihintay ang ang araw na magdecide si Noli kahit halos basbasan na ni President Gloria Macapagal Arroyo noong August 28 ayon kay Cerge Reymonte.
Pero ayon kay Prospero Nograles ay bukas silang mamili ng kanilang pambato miyembro man o hindi ng partido pero ayon sa kanya ay mas posibleng maging pambato si Teodoro kahit kulelat ito sa ratings.
Hindi kay PGMA manggagaling ang desisyon kung sino ang pambato ng Lakas Kampi CMD kundi ang mismong mga opisyal o ang executive committee nito na kung saan magpupulong pulong na sila sa September 16 para mapangalanan na nila kung sino ang pambato nila.
As of press time (6:57pm) nag clarify si Ermita sa TV Patrol World na hindi pa rin nila sinasara kay Noli kung saan gusto niyang tumakbo bilang presidente sa Lakas Kampi CMD dahil ang deadline nila ay sa September 15 bago magpulong pulong ang executive committee nito bago mag announce kung sino ang manok ng partidong ito.
var addthis_pub=”angsawariko”;