>
The business is very good, the office is very big, the bank is very nice and KimyDora (Kambal sa Kiyeme) is very beautiful!
Last August 27, sa Cinema 4 Shangri-la Plaza kasama ako sa mga unang nakakita ng movie na KimiDora (Kambal sa Kiyeme) ni Eugene Domingo at Dingdong Dantes sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal under sa Spring Field production na kung saan co-producer si Piolo Pascual.
Ang Kimidora (Kambal sa Kiyeme) ay tungkol sa dalawang magkapatid na sina Kimmy at Dora, at common sense na iyon kasi given na sa title unless sbi nga ni Kimmy tanga tangahan school of acting lang lahat yan. Si Kimmy ay isang matalino at hot tempered na isa sa mga nagmamay ari ng Gong Ho company na may obvious na pagtingin kay Johnson, played by Dingdong Dantes pero sa kabila ng pagiging aggressive ni Kimmy ay lalong inayawan niya ito. Pero kahit pinagbiyak na bunga sina Kimmy at ang kapatid nitong si Dora, si Dora ang gusto ni Johnson kahit na may kakulangan sa pag iisip si Dora. Dahil sa kakulangan sa pag iisip si Dora ay lalong naging malapit siya sa tatay nito pati kay Johnson na mas nagpalaki ng inggit ni Kimmy sa kanya at dun nag umpisa ang gulong mismong si Kimmy ang naging biktima.
Sa unang lead role ni Ms. Eugene Domingo ay pinakita niyang may maibubuga siya pagdating sa pagpapatawa kagaya ng bestfriend niyang si Ai Ai delas Alas na nakasama niya sa mga pelikulang, Tanging Ina, Ang Cute ng Ina Mo, Volta at Tanging Ina ninyong lahat. Nagkaroon din ng chance si Eugene na makapares ang iba pang mga artista at naiprove niyang isa siyang magaling na komedyante sa Kokey na si Ruffa Guttierez ang kasama niya at ang D’ Lucky Ones na si Pokwang naman ang kabatuhan niya ng mga nakakatawang linya. Bukod dito nakilala rin siyang isa sa mga impersonator ni Vilma Santos sa commercial nitong Bear Brand. Showing na ang KimmyDora (Kambal sa Kiyeme) sa lahat ng sinehan, may website din sila visit http://www.kimmydora.com.
var addthis_pub=”angsawariko”;