>
Sama sama tayong nagbigay ng ating opinyon at nagblog para ibahagi ang ating mga ideya at pananaw tungkon sa kahirapat o poverty noong October 15 2008 sa Blog Action Day ’08. At ngayong taong ito sama sama nating ibahagi ang ating mga opinion, suggestion at idea tungkol sa Climate Change Sa BAD’09.
Ang Climate Change ay isa sa mga topic na pinagbotohan noong August ng mga taong pinili ng Change.Org para magbigay ng suggestion kung ano ang dapat pagtuunang pansin ng netizens or mga online users, mga main stream at new media na kung saan mga bloggers, forumers at mga social network fanatics. At nakasama ako, ang may akda ng blog na ito sa unang pagkakataon sa survey na ginawa ng change.org para sa proseso ng pamimili ng topic o theme nila sa taong ito, at natuwa ako na ang isa sa mga advocacies ko ay napili para talakayin na kung saan noong July ay nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si WWF-Philippines CEO Jose Ma. Lorenzo Tan para talakayin ang adhikain ng WWF sa Pilipinas.
May parte ka sa kampanyang ito! Kahit anong type man ng blog mo ay may pagkakataon kang makibahagi para ipahayag ang opinyon mo sa usapin ng Climate Change dahil hindi lang ako, mga miyembro ng Change.org, at mga environmental advocates ang nakakaranas ng epekto ng Climate Change, lahat tayo ay nakakaranas nito mula sa pabago bagong klima na hindi sunod na panahon, mga naganap ng trahedya dahil sa hagupit ng bagyo mula sa mabababang lugar, tabi ng dagat at ilog, at pati sa mga matataas na lugar, ito ang hindi pangkaraniwang nangyayari noon ay nangyayari ngayon.
Tulad ng karaniwang sinasabi ko kasama ng mga advocates sa iba’t ibang topic at issue sa lipunan ay makibahagi ka, magsalita ka at isigaw mo ito gamit ang blog mo at makibahagi sa labas para malaman ng iba at doon ay gagawin din nila ang parte nila, sa blog at sa personal na buhay. Sa October 15, 2009 ibahagi mo ang nasa isip mo kung paano natin haharapin ang issue ng Climate Change, mga kailangan gawin at ano ang hindi dapat gawin. May boses ka at ibahagi mo to huwag mo nang hintayin ang iba na kikilos para sa iyo sumali na at makilahok sa Blog Action Day 2009 at ibahagi ang views mo sa Climate Change. Visit www.blogactionday.org.
var addthis_pub=”angsawariko”;